CHAPTER NINETEEN
Year 2018
SHOCKED.
Lucas was shocked upon seeing Kirsten again at the hospital. Tiningnan niya ang kaniyang cellphone at nakitang seven pa lang ng umaga at nandoon na agad si Kirsten. Wala naman sa intensiyon ni Lucas na maging bad mood sa araw na ’yon kaya susubukan niya na hindi masira ang araw na ’yon.
Ayaw na talag sana ni Lucas na makita pa si Kirsten sa hospital pero wala naman kasi siyang magagawa sa desisyon ng dalaga. Ayaw naman din niyang magalit talaga rito pero ayaw lang niya ’yong pakiramdam na para siyang kinakaawaan dahil sa kalagayan niya.
Lucas don’t want to be rude kaya nginitian lang niya si Kirsten na parang walang sagutan mula sa kanilang dalawa ang nangyari kahapon. “Why are you here again, Kirsten?” Tanong pa nito sa dalaga dahil ang aga pa at nandoon na ito agad. “You shouldn’t be here in the first place.”
Inirapan ni Kirsten si Lucas pagkatapos ay may inilagay na paper bag sa lamesa. Inilabas nito ang nasa loob niyon at nakita niyang mayroong pagkain. Chicken, Rice and Salad ang nakita ni Lucas na nandoon. “I should be asking you muna ’no. Kumain ka na ba? I brought you some food just in case hindi pa.”
Bumuntong hininga si Lucas. “Kirsten, you shouldn’t do this in the first place. Hindi naman sa ayaw kitang makita ’no. It’s just that hindi mo naman dapat ginagawa ’to. May mga nurse rito na mag-aalaga sa akin at may mga rounds din ng food dito.”
“It’s just my initiative, Lucas.” Kirsten said habang palapit ito kay Lucas at umupo sa dulo ng kama nito. “It’s been two months na wala ako sa Manila and gusto ko rin naman na kausapin ka kasi kaibigan pa rin naman kita, Lucas.”
Tiningnan lang muli ni Lucas si Kirsten pagkatapos ay kinuha nito ang pagkaing dala ni Kirsten para sa kaniya. “Okay. Let’s eat breakfast, Kirsten. Sayang dala mong pagkain.” Wika nito at pagkatapos ay hinati ang pagkain na dala ni Kirsten. Mabuti na lang at dalawang kutsara at tinidor ang dala ni Kirsten.
Nang mahati na ni Lucas ang kanilang pagkain ay nagsimula na itong kumain at ganoong din si Kirsten. “So, have you decided, Lucas?”
Hindi agad sinagot ni Lucas ang tanong ng dalaga dahil busy ito sa pagkain pero natinig niya ang sinabi nito. He’s sure kung ano ang tinutukoy nito. “Don’t ask muna, Kirsten. Can’t we eat peacefully first? Baka mamaya magsagutan na naman tayo eh.”
Inirapan ni Kirsten si Lucas. “Ikaw kasi eh. You didn’t accept what I said kahapon kung nagsabi ka naman ng sagot agad hindi naman tayo magkakaroon ng ganoong sagutan.” Wika ng dalaga pagkatapos ay kumain siya ulit bago nagsalia muli. “Don’t worry hindi ko naman dinamdam mga sinabi mo kahapon kasi ikaw na ang nagsabi na you’re not on your right state of mind.”
Ngumiti lang si Kirsten pagakatapos niya iyon sabihin sa binata at nagpasya na lang na kumain muli kahit hindi na siya sinagot ni Lucas matapos niya iyon sabihin.
Lumipas ang ilang minute na kumakain lang sila at tahimik ang buong paligid. Naiintindihan ni Kirsten nab aka nag-iisip si Lucas sa mga posibleng sabihin nito sa kaniya o baka rin naman ay gusto lang nito mag-focus na kumain.
“Where did you buy this, Kirsten?”
Sa wakas ay nagsalita muli si Lucas. Iyon ang nasa isip ni Kirsten matapos niyang marinig muli ang tinig ng kaibigang lalaki. “Buy? I cooked it for you, Lucas. How is it?” She happily asked the guy.
Kumain muna si Lucas bago nito sinagot ang tanong ni Kirsten. “It tastes good, Kirsten. I didn’t know you could cook something like this. You should continue cooking. May potential ka sa pagluto.”
Bihira lang kumain si Lucas ng home cooked food dahil hindi naman siya marunong magluto ng matinong pagkain. Sa totoo nga niyan, hotdog at itlog nga lang ata ang alam ni Lucas na kainin at isama pa ang instant noodles dahil madali lang iyon lutuin. Tasting Kirsten’s cooking is new to Lucas. He always got the chance to taste Ken’s cooking before kasi magkasama naman sila sa grupo nila pero iyon ang unang beses niyang natikman ang luto ni Kirsten.
“I’ll take that as a compliment. I don’t cook very often, Lucas. I only know how to cook a few dishes usually I don’t cook naman.” Kirsten explained at inilagay niya ang kaniyang plato sa lamesa dahil tapos na ito kumain. “Are you done eating?”
Umiling si Lucas pagkatapos ay itinuro ang natirang chicken sa lalagyanan nito. “Akin na lang ’to ah?”
“That’s all your naman. If you didn’t invited me to eat with you sa iyo rin ’yong kinain kong chicken.”
Ngumiti si Lucas at tumango. “Thanks. I highly appreciate it, Kirsten.”
Nagpatuloy sa pagkain si Lucas habang si Kirsten naman ay tahimik lang na nakamasid sa binata habang inaantay itong matapos kumain.
Kirsten didn’t go home sa bahay nila simula kahapon nang malaman niya ang kalagayan ni Lucas at nagpasya na lang itong tumuloy kila Ken dahil alam niyang hindi siya ulit papayagan ng Mommy Nancy niya na lumabas ulit. Kahit na si Kirsten ay natulog kila Ken, hindi pa rin niya nabanggit sa kaniyang best friend ang kalagayan ni Lucas dahil ayaw naman niyang siya pa ang magbalita niyon kay Ken na dapat si Lucas ang gumawa.
Hindi alam ni Kirsten kung hanggang kailangan siya mag-stay sa bahay ni Ken pero ayaw niya iyon patagalin dahil ayaw niya rin naman maging burden sa best friend niya lalo na’t magkakaroon na ito ng girlfriend, ayaw na niya masyadong pasakitin ang ulo nito.
“Are you done eating, Lucas?”
Tumango si Lucas at inilagay nito ang kaniyang plato sa lamesa. “Yes, Kirsten. We can talk to each other again.”
“Great. So, have you decided na, Lucas?”