CHAPTER EIGHTEEN
Year 2018
“Why aren’t you taking your medications, Lucas?”
Humalakhak si Lucas nang marinig niya ang tanong ni Kirsten. ‘Does she know?’ He even asked himself that question before asking Kirsten. “What are you talking about, Kirsten?”
“For once be serious naman, Lucas. You know what I am talking about.” As much as possible Kirsten wants to set away ’yong inis niya kay Lucas dahil sa nangyari sa kaniya dati. Isa lang ang nasa isip niya sa puntong iyon, ang i-convince si Lucas na mag-take ng medications kasi mahalaga iyon sa kaniya.
“So you know na pala.” Lucas casually said. Tumingin ito sa kaniya pagkatapos ay tumingin muli sa kaniyang phone. “Paano mo nalaman?”
“Tinawagan ako ng isang nurse. She said may nakakita raw sa iyo na hinimatay ka. Umaksyon naman agad ’yong nakakita sa ’yo kasi tumawag siya ng ambulansya. After that, tinawagan ako ng nurse. Ako lang daw kasi nasa contact list mo.” Bumuntong hininga ito bago nagsalita muli. “Bakit hindi mo sinabi sa mga kakilala mo na you have this condition? Lucas, this is a life and death situation.”
Marahang tumango si Lucas nang matapos magsalita ang dalaga. Tumingin ito muli kay Kirsten at sinabing, “It’s okay Kirsten. I’m okay. You don’t have to worry about me. About the contact list, I was about to delete your phone number na sana I guess I’m late.”
“Lucas, this isn’t about the contact list, it’s about you not telling your parents or kamag-anak about your condition. Kung ako nga na nasa contact list mo hindi alam na may gantong condition ka, what more parents at kamag-anak mo? Lucas, naman.” Hindi na mapigilan ni Kirsten ang pagsalitaan si Lucas dahil concern ito sa kaniya.
“It’s all on me na if I want to tell other people about my condition, Kirsten. Hindi mo nga dapat malaman ’to eh.” Giit ni Lucas. Wala naman kasi talaga sa plano ni Lucas na malaman ni Kirsten ang sakit niya. Ayaw niya na may makaalam tungkol doon dahil ayaw niya na kaawaan siya ng mga tao sa paligid niya.
“You had no plans on telling me about your condition, Lucas?” Gulat na tanong ni Kirsten. “Kahit hindi na lang sa akin kahit kay Ken wala? Kay Luna wala? Bakit mo ba ginagawa ’to sa sarili mo, Lucas?”
Hangga’t maaari ayaw ni Lucas na magbigay ng iba pang detalye bakit ayaw niya ipaalam sa iba ang sakit niya dahil it's his life. Gusto ni Lucas sundin kung ano ang gusto niya at hindi dahil sinabi lang iyon ng taong nakapaligid sa kaniya.
Kagaya na lang nang tinanong siya ni Kirsten kung bakit hindi siya umiinom ng mga gamot niya at kung bakit ayaw niya sabihin sa iba ang kondisyon niya. Ayaw niya ng dinidiktahan siya ng ibang tao sa dapat at hindi dapat na gawin niya.
“Hindi ko naman dapat ipagsabi ang lahat ng bagay-bagay, Kirsten. Hindi naman porket magkaibigan tayo, sasabihin ko na ang lahat ng bagay na tungkol sa akin.”
Nagtaka si Kirsten nang sinabi iyon ni Lucas. Hindi ganoon si Lucas. Hindi niya maintindihan bakit ganoon ang pananalita ni Lucas sa kaniya. Ang gusto lang naman ni Kirsten ay lumaban ito sa hamon ng buhay dahil alam niyang hindi madali ang sakit nito.
“Lucas, this isn’t you. Why are you like this? I came here as a friend and I do care… I do care for you.” Pag-anim ni Kirsten. Totoo naman na she cares for Lucas because he’s her friend. At lalo na ngayon na nalaman niyang may sakit ito, gusto niyang tulungan si Lucas na lumaban sa buhay.
“Kirsten, you’re my life inspiration but I don’t like what you are doing. You don’t have to pity me just because I have this f*cking condition. Don’t act as if you really do care for me, Kirsten.” Tumingin si Lucas sa dalaga at nagpatuloy na magsalita. “You almost throw me away two months ago, Kirsten. Ni hindi ko nga alam baka napilitan ka lang na papasukin ako sa bahay niyo noong time na ’yon kasi sobrang lakas na ng ulan.” Bumuntong hininga ito. “Ni hindi mo nga ako pinakinggan sa ra—Hays… Just go home, Kirsten”
Habang binabanggit iyon ni Lucas hindi maiwasan ni Kirsten ang masaktan. Hindi niya maintindihan bakit naging ganoon na lang bigla si Lucas. ‘Sobrang sama ko na ba? Sobrang sama ko na ba dahil hindi ko siya pinakinggan noong gusto niyang sabihin sa akin ang rason bakit hinayaan niya lang akong nakahandusay nang mabangga nila ako?’ Kirsten thought.
“Kirsten, just go home. Ayoko na makasabi pa ng hindi magagandang salita. I’m not on my right state of mind right now, Kirsten.” wika muli ni Lucas pagkatapos ay humiga ito sa kama nito. “This isn’t the right time for us to talk, Kirsten. Please. Tigilan mo na rin ang pag-convience sa akin about my medications because I’ll just say no. Umuwi ka na. Please.”
Hindi kumibo si Kirsten. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa likod ng binata. Hindi na ulit ito nagsalita na para bang hinihintay na lang nito na umalis siya sa kuwarto. Nag-antay si Kirsten ng ilang minute pero wala, wala na talaga siyang narinig na salita mula kay Lucas kahit na nakita niyang nagce-cellphone lang ito habang nakahiga sa kama nito.
“I won’t leave here until you either tell your parents about your condition or take your medications.” Kirsten firlmy said. Patigasan na ng ulo kung iyon ang gusto ni Lucas, gagawin niya. Wala talaga siyang balak na umalis doon hangga’t hindi ginagawa ni Lucas ang isa sa kaniyang mga sinabi.
Bumuntong hininga si Lucas at sa wakas ay nakuha ulit ni Kirsten ang atensyon ng binata. Umupo ito muli at ikinuyom ang kaniyang kamay na tila bang pigil na pigil sa kung ano man ang naiisip nitong gawin. “Kirsten, umuwi ka na. Wala kang mapapala sa akin dito.”
Kirsten smirked. “Patigasan tayo, Lucas? Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ginagawa ang sinabi ko.”
Kumunot ang noo ni Lucas dahil hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Kirsten. “I’m not your puppet, Kirsten. Hindi ako susunod sa iyo dahil lang sa gusto mo. Umuwi ka na, Kirsten. Umuwi ka na. Kanina ko pa sinasabi sa iyo I’m not in my right state of mind right now. Ayoko nang makasabi pa ng hindi magagandang salita, Kirsten. Bakit ba ang kulit mo, ha?”
“Now you know gaano ka kakulit dati, Lucas. When you want something, you are always firm about it, just like now, you want me to go home but I don’t want to. I am firm with what I said earlier, Lucas.”
Tiningnan lang siya ni Lucas bago bumuntong hinga. Pinipigilan ni Lucas ang sarili niya dahil ayaw niya namang masaktan si Kirsten. “I ordered Jollibee. Kumain ka na lang pagkatapos umuwi ka na.” Pagkatapos iyon sabihin ni Lucas at nagpasya na itong humiga na lang ulit. Ayaw na niyang patulan pa si Kirsten dahil alam niyang Malaki ang possibilities na magtalo sila dahil iba sila ng gusto.
Makalipas naman ang ilang minuto may pumasok na Jollibee delivery sa kuwarto ni Lucas at kinuha lang iyon ni Kirsten. Tiningnan ni Kirsten ang nasa loob ng paper bag pero nakita niyang para sa isang tao lang ang order na nandoon.
She was about to approach Lucas but she noticed that he’s asleep at humihilik pa nga ito. Pinagmasdan niya ang mukha ng binata pagkatapos ay bumuntong hininga. “Lucas, you’re asleep now pero please value your life. Don’t throw away your life like this.” Habang sinasabi ni Kirsten iyon kay Lucas sinusubukan niyang pigilan ang kaniyang luha kahit na pakiramdam niya ay tutulo na iyon.
“I hope… I hope tomorrow maging maayos ang pag-uusap natin. I will still try to convince you, Lucas. I’m still firm with my decision. Gusto kong i-take mo ang medications mo. You need that. Kahit hindi na para sa taong nasa paligid mo kundi para sa sarili mo.”
Umiling si Kirsten. Para lang siyang sira sa puntong ’yon dahil alam naman niyang tulog ang binata pero ayun siya at kinakausap ito. “Sige na. I’ll eat my food pagkatapos uuwi na ako. Don’t rejoice yet kasi babalik na lang ako bukas.”
Pagkatapos iyon sabihin ni Kirsten ay nagsimula na siya sa pagkain ng Jollibee na binili ni Lucas para sa kaniya. ‘Lucas, parang tanga. ’Di ko nga alam if kumain ka na pero mas inuna mo na bilhan ako ng pagkain.’
Habang kumakain siya naghanap siya ng tissue sa loob ng paper bag pero nagtaka siya dahil bigla siyang may nakita siyang maliit na papel. ‘Baka naman, nagkamali lang ng lagay ’yong Jollibee.’ Kirsten thought but she still choosed to get the paper and look at it.
‘Welcome back, Kirsten. I missed you.’