CHAPTER SEVEN

2391 Words
CHAPTER SEVEN Year 2018   “KIRSTEN, PAANO AKO nakauwi kagabi?” Lucas asked Kirsten over the phone. Umagang umaga magkausap na naman silang dalawa and she’s not complaining at all.       Kirsten laughed a bit upon hearing Lucas’ question. “Hindi mo talaga matandaan? Grabe, gano’n ka pala malasing.”       “Hindi ko naman tatanungin sayo kung natatandaan ko ’di ba?” Wika ng binata na tila inaalala talaga kung paano ito nakauwi.       “Hinatid ka ng mga ka-dance troupe mo sa inyo. Hindi na ako sumama kasi malayo daw  ’yong bahay mo” Kirsten casually answered Lucas’ question while looking at her laptop because she’s writing again on her blog.       “Hmm. Eh, ikaw? Paano ka umuwi kagabi? Hindi ba kita hinatid?”       “Sinundo ako ni Ken.”       “Ah, buti na lang. Mas okay ’yon compare kapag umuwi ka mag-isa.” Lucas said; feeling relieve that Kirsten got home safe because of Ken.       Kirsten smiled a bit. “Yeah. Sabi ko na talaga na you’re really drunk last night at to think isang can lang ng beer ininom mo. Very low pala alcohol tolerenace mo. Lightweight ka pala!”       Lucas defensively said, “Uy hindi ako lasing and I’m not a lightweight at all. Saka alam ko ’yong sinabi ko na maganda ka.”       Kirsten didn’t react for a while. Nagulat kasi siya, eh. She was so sure na lasing na si Lucas no’ng time na ’yon pero natandaan pa nito ang sinabi nito sa kaniya kagabi?       “Huy, Kirsten. Nandiyan ka pa ba?” Lucas asked as if he’s confused kung may kinakausap pa ba siya sa kabilang linya.       “Ye—yeah. Baliw ka. Eh, pagkatapos mo nga ’yon sabihin nakatulog ka na lang bigla sa tabi ko tapos sasabihin mong hindi ka lasing? You gotta be kidding me, Lucas”       “Tss. I’m not drunk, maybe tipsy pero alam ko ’yong mga sinabi ko kagabi. Kagabi lang ako uminom, eh.” Lucas said na medyo natatawa pa kasi it’s true dahil hindi naman siya mahilig uminom lalo na’t ayaw niya talaga sa lasa ng mg alak.       Kirsten was shocked. “Weh!? Akala ko umiinom ka na dati pa?”       “Hindi, kagabi lang talaga. That was my first time.” Lucas said sounding like a shy guy at parang nawala ang cool niya for a moment dahil doon sa sinabi niya.       “Sana nag-gatas ka na lang din pa—”       “Para match tayo kasi same drink tayo ng iniinom?” singit naman ni Lucas kaya di na nasabi ni Kirsten ang sasabihin niya.       “Baliw. May hangover ka pa ata eh.” Natatawang wika ni Kirsten sa binate dahil mayroon na naman itong pick up line na sinabi.       “Sus. Kilig ka lang sa ’kin.” Komento naman agad ni Lucas       “Hindi ah. Eto naman masyadong feeling.” Biro pa ni Kirsten       “Sa ’yo lang naman ako ganito. Sa ’yo lang ako nag-fefeeling na kapag kinakausap mo ako kinikilig ka” Lucas said at seryoso pa niya itong sinabi sa dalaga.       Shems, bakit kasi pakiramdam niya namumula na siya sa mga oras na iyon? Si Lucas kasi eh...       “Luh, Lucas. Ewan ko sa ’yo. Ayan ka na naman...”       Lucas then started laughing. “’Di ka naman mabiro oh...”       “Oh sige na, kaya pala may beer doon sa rooftop kasi may after party kayo sa rooftop after the competition...”       “Ah, yes. You’re right but kaya din kita hinila agad kasi alam ko bawal ka sobrang magpagabi at ikaw lang naman gusto kong makasama pagkatapos no’ng competition naming, eh.” Lucas said. Totoo ito dahil wala naman siya ibang kaibigan na nanood ng competition nila bukod kay Kirsten.       She can feel the sincerity of Lucas when he said the words to herbut she just rolled her eyes. Ayan na naman. Pakiramdam na naman niya bumibilis ang t***k ng puso niya. Maybe something’s wrong with her? Hay nako...“Sus. Nambola ka pa. Ang dami mo kayang fan girls.”       “Ayan ka na naman. Sa ’yo lang naman ako laging nakatingin, hindi sa kanila. Saka fan sila ng grupo naming not just me”       Ayaw naman niya mag-assume pero bakit pakiramdam niya hindi na lang basta kaibigan ang tingin ni Lucas sa kaniya? Pero ayaw niya talaga mag-assume. Ayaw niyang umasa eh. Mahirap naman kasi ’yong puro pakilig lang. Sa mundo ngayon hindi lang dapat puro salita ng mga banat dapat pinapakita rin at directly na sinabi sa ’yo na mayroon siyang gusto. Sa case ni Kirsten, wala namang sinasabi si Lucas na gusto siya nito.       “Sus, sige na Lucas. Mamaya na lang, ah? Maghahanda lang ako. Bibisitahin ko kasi si Nanay Lola.”       “Ah ’yong grandmother ni Ken? Sige. Ingat ka, ah? I’ll call you again later.”       And then she ended the call. AGAD NAMAN NGUMITI si Kirsten nang makita niya si Nanay Lola na nakaupo sa kama habang kumakain ito kasabay si Ken.       “Nanay Lola” she exclaimed at awtomatikong napangiti rin ang Lola ni Ken sa kaniya.       “Hija, naku apo. Namiss kita ng sobra pa sa sobra.” wika ng Lola ni Ken at napatigil pa ito sa pagkain ng tanghalian nito at niyakap agad siya pagkalapit niya.       “Namiss din po kita ng sobra, Nay Lola.” she said and she hugged her back. “Kumusta na po kayo?” she asked while Ken assisted her to sit on the couch near the hospital bed wherein Nay Lola is sitting.       “I’m good, apo. Mas maayos na kalagayan ko ngayon, mabuti na lang nandito palagi si Ken.” Nakangiting wika ni Nanay Lola sa dalaga. Masaya siyang makita muli ang best friend ni Ken.       “Luh si Lola nambola pa talaga. It’s not because of me, Lola. It’s because day by day you are also trying to get better.” wika ni Ken kaya naman ay lumapad ang ngiti ng Lola nito.       “Mabuti naman po. Nag-alala po talaga ako no’ng sinabi sa akin ni Ken ’yong nangyari sa inyo.” she said while pouting her lips. “Nakakagulat po kasi sobrang biglaan ng pangyayari.”       Nanay Lola just smiled and said, “Sinabi nga agad sa akin iyon ni Ken. Salamat, apo. Lubos ko ’yan naappreciate. Salamat dahil dumalaw ka ngayon.”       She also smiled at the elder. “Wala po ’yon, ’La. Eh, ang laki naman po ng natutulong niyo sa amin kapag nagtatravel kami ni Ken eh.”       Tumango naman ni Nanay Lola pagkatapos ay nagsalita na muli. “Ah nga pala Kirsten ikaw ba ay nagpaalam sa Mommy Nancy mo, ha? Alam ba niyang pupunta ka dito sa akin?”       Tumango si Kirsten. “Opo. Pinagpaalam po ako ni Ken na dadalawin kita ngayon dito.”       Ngumiti naman ng nakakaloko si Nanay Lola. “Kayo ha. Baka naman magkasintahan na kayo tapos hindi niyo lang ipinapaalam sa akin?”       Shems, pakiramdam niya namumula siya ngayon. Nakita niya rin yung reaksyon ni Ken sa kaniya. Katabi niya kasi sa may couch si Ken.       Bumulong si Ken kay Kirsten at sinabing, “Namumula ka, Kirs.”       “Huy, Ken. Magtigil nga.” Siniko agad ni Kirsten si Ken at natawa lang ito. Malakas kasi mang-asar ang kaibigan niya kapag nasa mood ito.       “’La, naman. Magkaibigan lang po kami ni Ken. Wala na pong lalagpas doon.”       Tumango naman si Nanay Lola. “Sige sabi niyo yan pero mabuti na lang at pumapayag na ’yang si Nancy na palabasin ka sa bahay niyo, ah. Dati ayaw na ayaw niya na umaalis ka ’di ba?”       She bit her lower lip. Ngayon kasi umaalis na siya ng bahay nila kahit hindi siya nagpapaalam. Minsan kasi kapag may lakad sila ni Ken, pinagpapaalam siya ni Ken pero kapag may sariling lakad siya kagaya mamaya niyaya siya ni Lucas na gumala since hindi naman siya magtatagal sa hospital, pumayag na siya na gumala kasama si Lucas pero hindi iyon alam ng Mommy Nancy niya.       She’s just afraid. Alam naman niyang tuwang tuwa ang Mommy Nancy niya na may bago na siyang kaibigan pero mabusisi kasi ito, eh. Kahit na natutuwa ito na may bago na siyang kaibigan mahirap magtiwala agad ang Mommy niya sa mga nakakasalamuha niya. Si Ken lang talaga ang bukod tangi na pinagkakatiwalaan nito ngayon na kaibigan ni Kirsten. Si Tim naman ay nasa ibang bansa kaya si Ken na lang ang bukod tangi na pinagkakatiwalaan ng kaniyang mommy na nasa Pilipinas din.       “Siguro po narealize ni Mommy na I can be safe pa rin naman po kahit papaano.”       “Basta kasama mo ako, safe ka.” Entrada naman ni Ken kaya siniko niya agad ito kasi nakita niya na parang kinikilig si Nanay Lola.       “Naku, kayo talaga. Siguraduhin niyo lang magkaibigan lang kayo ni Ken, ah? Baka pagbisita mo ulit sa akin magkasintahan na kayo ni Ken.” Biro pa ni Nanay Lola pero sa totoo niyan botong-boto si Nanay Lola kay Kirsten para kay Ken.       “’La, best friends lang po talaga kami.” Wika ni Kirsten at sumang-ayon naman si Ken.       “Oh sige na nga mga apo. Matutulog muna ako ah? Ako’y pagod na.” Wika ni Nanay Lola kaya inalis na muna nila ang pagkaing kinakain ni Nanay Lola.       Makalipas ang thirty minutes nakatulog na agad si Nanay Lola kaya silang dalawa na lang ni Ken ang gising doon sa kwarto.       “Kirs, dito ka ba matutulog mamaya?” tanong agad ni Ken.       Minsan kasi kapag dinadalaw niya si Nanay Lola nag-oovernight siya sa kanila pero dahil nasa hospital ngayon si Nanay Lola at may lakad pa siya mamaya, hindi muna siya mag-oovernight doon.       “Hindi eh. Aalis pa kasi ako mamaya.” Sabi ni Kirsten kaya tumango na lamang si Ken.       “Nga pala, hindi masyado nakakapag-usap pagkatapos ng competition namin noong nakaraan, kumusta ka na ba ngayohn, Kirs?”       She looked down. Hindi pa nga niya nasasabi kay Ken ’yong nangyari sa kaniya no’ng pumunta silang dalawa ni Lucas sa Sky 9 dahil alam niyang magagalit ito at ayaw naman niyang magalit si Ken kay Lucas. Alam niyang may mali si Lucas pero may mali rin siya dahil hindi naman niya sinabi kay Lucas ang dahilan niya kung bakit ayaw niya pumunta muli sa Sky 9.       “May sasabihin ako sa ’yo, Ken. Long overdue na pero I think you need to you it too.”       Napakunot noo naman si Ken. Alam nitong seryoso na ang kanilang usapan. “Ano ’yon? May hindi ka pa ba sinasabi sa akin, Kirs?”       She took a deep breath before talking to Ken again. “Lucas took me to Sky 9 two weeks ago.”       Nakita ni Kirsten agad ang galit na mukha ni Ken.       “He what?! Lucas what? Tell me did I heard it right?”        “H—he took me to... Sky 9...”       “At pumayag ka?! Kirsten? Pumayag ka?” Ken asked him. Halata sa mga mata nito na galit ito pero pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili dahil ayaw niya makitang umiyak ang best friend niya.       Napansin nila na parang gumalaw si Nanay Lola kaya hinawakan ni Ken ang kamay ni Kirsten at hinila siya nito palabas ng k’warto ni Nanay Lola.       Right now they’re at the lounge. They’re both silent. Nakatayo lang sila habang nakatingin si Ken sa kaniya at si Kirsten naman ay nakayuko.       “Kirsten, bakit ka pumayag na pumunta doon?” Mahinahong tanong ni Ken.       She closed her eyes... pinipigilan niyang hindi umiyak “We went there without my permission.”       “What the f*ck?! Why didn't you asked him first where the both of you are going?! Lucas is causing too much trouble nowadays. Dapat hindi ko na lang pala siya sinama no’ng nagpumilit siyang ma-meet ka.” Inis na wika ni Ken. He’s now regretting his decision weeks ago. Hindi na dapat niya pinayagan si Lucas na ma-meet si Kirsten.        Kirsten can see how frustrated Ken is now. His fists looks like its ready to punch someone. Halatang galit ito kaya hinawakan niya ang kamay ni Ken para pakalmahin ito ng kaunti.       “K—Ken, nagpahatid na lang ako sa kaniya kasi hindi ka na sumasagot sa akin pero nasabi niya na gusto niya din daw ako dalhin sa ano... Sky 9. W—wala naman ako magawa kasi alam ko naman na gusto lang niya talagang m—mapalapit sa akin.”       Ken rolled his eyes. “Oh great and what happened to you while you’re there? Okay ka lang ba no’ng nandoon ka? I'm sure you’re not okay.”       “I had panic attacks... hindi ko nakontrol sarili ko... I was scared. All of the memories that happened before kept on running through my mind. I can’t handle the nervousness I’m feeling while I was there. My feet are trembling, I’m completely scared and I don’t know what to do...”       He sighed and caressed her back. “I’m sorry. I’m sorry I was not there. Kung nasundo lang kita no’ng time na ’yon edi sana hindi ’yan mangyayari. It’s my fault. I’m sorry, Kirsten.”       Umiling naman si Kirsten. “No, It's my fault. Pumayag pa rin kasi ako sa gusto ni Lucas kasi ayoko namang magtampo siya sa akin. Hindi ko rin naman kaya sabihin sa kaniya ang dahilan kasi hindi pa ako handa sabihin sa kaniya ’yon.”       He sighed. “Please be extra careful next time, Kirs. Ayoko ng mangyari ulit ’to. Ayokong na may nangyayaring masama sa iyo alam mo naman ’yan.”       Tumango naman si Kirsten at natigil lang ang kanilang pag-uusap nang may tumawag sa pangalan ni Kirsten.       “Kirsten!”       Humiwalay agad si Kirsten sa yakap ni Ken at ngumiti naman agad si Lucas sa kaniya. She also did the same.       Hinawakan naman agad ni Ken ang kamay ni Kirsten at nagsalita, “Pumasok ka muna sa k’warto ni Nanay Lola. Mag-uusap lang kami ni Lucas.”       Kirsten looked at Ken; worried about what will happen kapag mag-uusap na sila ni Lucas “Are you sure, Ken? Usap lang?”       “I'm freakin’ sure, Kirsten”       She sighed at pumasok na muna sa k’warto ni Nanay Lola.       “Lucas, let’s talk.”   Lucas looked confused “Oh, tungkol saan naman?”   "It's about Kirsten.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD