CHAPTER SIX
Year 2018
IT’S BEEN two weeks after Kirsten and Lucas went to Sky 9, wala naman nagbago pero mas naging careful lang si Lucas sa mga decisions niya kapag involved si Kirsten.
Furthermore, mas naging close pa si Kirsten at Lucas dahil hindi naman natigil ang pag-uusap nila araw-araw. Right now it’s the day of Ken and Lucas’ dance troupe competition. It’s a competition na gaganapin sa dati niyang school.
Sinabihan siya ni Ken na pumunta to support them at hindi naman siya tumanggi kasi gusto niyang makita na sumayaw ang best friend niya and additional na rin siguro na gusto niya makita paano sumayaw si Lucas. ‘Magaling kaya siya?’
It’s already three in the afternoon at paalis na si Kirsten sa bahay nila. Napapadalas na ang pag-alis niya ng bahay nila nang hindi nagpapaalam sa Mommy Nancy niya dahil alam niyang pagbabawalan siya nito. Pero sinabihan na siya ni Ken na pinagpaalam na raw siya nito kaya siguro fair enough na rin naman na ’di siya nagpaalam? Hmm.
She just use her bike to go to the school just for fun kasi matagal na rin niyang hindi nagagamit ang bike niya. Besides malapit lang naman ang dating school niya sa bahay nila, it’s like a ten minute walk so kapag nakabike kaya ng five minutes nandoon na siya agad sa school.
She smiled. At least kahit papaano nagagawa na rin niyang mag-bike ulit. Dati kasi araw-araw kapag pumapasok siya sa school nag-bibike siya pero iba na kasi ngayon since homeschooled lang siya. It sucks though, gusto niya na ulit pumasok sa normal na paaralan.
While she was still biking on her way to the school, her phone rang.
She stopped for a while to check her phone.
It's Lucas.
“Hey.” she said as she answer the call.
“Pupunta ka ba dito sa school? Four in the afternoon ang start. Gusto mo sunduin kita?”
She smiled upon hearing Lucas’ suggestion. “No need na, Lucas. Papunta na ako sa school. Nandiyan na ba si Ken?"
Kirsten heard him sighed which bothered her for a moment. ‘Nagtampo ba siya dahil hindi ako pumayag na sunduin niya ako?’ She thought.
“’Wag ka na maghanap ng iba, kausap mo nga ako tapos iba pa ’yong hinahanap mo.”
“Nagtatampo ka na naman, Lucas? I’m just you know curious kasi ’di na siya nagtetext sa ’kin kanina pa and I know you’re with him...”
“I’m here, Kirs. Ingat ka sa pagpunta dito sa school.” It’s Ken.
“Oh, ayan na. Kinausap ka na ni Ken. Okay ka na?” It’s now Lucas.
She smiled. “Oo. Okay na ako.”
“Ako? Hindi okay.”
“Bakit?” Kirsten asked pero wala siyang narinig na sagot kay Lucas. “Uy, Lucas? Are you still there?”
She was about to hang up the call nang biglang narinig niyang kumakanta si Lucas?
“Bakit ba naman kasi, hindi tayo p’wede?”
It’s weird pero pakiramdam ni Kirsten ang bilis ng t***k ng puso niya habang sinasabi iyon ni Lucas.
“Sana tayo na lang... Paano kaya kung ako na lang ano?”
She sighed. Ang weird ng nararamdaman niya.
“Lucas, sorry na. Babawi ako sa ’yo mamaya.”
After she said that hindi na nagsalita si Lucas pero ’di rin naman nito binababa ang call.
“Lucas, ibababa ko na, ah? See you na lang mamaya sa competition niyo. Malapit na ako sa school.”
Still no answer.
“’Wag ka na magtampo, okay? Babawi ako.” she said before she hang up.
Huminga muna siya na malalim bago niya inilagay ulit sa bag ang kaniyang phone. Pagkatapos niyon ay nag-bike na ulit siya papunta sa dati niyang school.
WHEN SHE ARRIVED at her old school dumiretsyo agad siya sa dance studio ng school dahil sigurado siyang nandoon pa ang mga ka-dance troupe ni Ken.
At hindi nga siya nagkamali dahil nandoon pa sila, nakaayos na naman sila pero all of them are still in the studio for a team meeting kaya pagkapasok niya muna ay umupo lang siya sa couch at inantay niyang matapos muna ang meeting nila.
Nakita naman niyang napatingin sa kaniya si Lucas pero umiwas agad ito ng tingin.
‘Nagtampo ba talaga siya?’ she thought. ‘He’s that serious when I just want to know kung nandoon na si Ken? May dapat bang ikatampo doon?’
She sighed.
“Hey, Kirs!” Ken smiled widely and rushed to her as soon as their meeting ended.
“Uy, Ken.” she smiled before hugging him. “Good luck mamaya, ah?”
Ken nodded and said, “Yeah. Gagalingan ko. S’yempre gagalingan namin. Pride ng school ’to, eh. Ang goal ay maipanalo naming ang laban but whatever happen, we’ll do our best.”
She smirked a little bit. “Naks naman. Dapat di ka magkakamali ah.” She even teasted him.
He nodded. “S’yempre. Hindi ako magkakamali. Kelan ba ako nagkamali?”
She laughed while giving him an awful look and said, “Wow. Yabang mo talaga kahit kailan.” Pagkatapos ay tinawanan lang siya ni Ken kaya nagsalita siya ulit, “Ay oo nga pala. Kumusta na si Nanay Lola?”
“She’s getting a lot better. No need to worry about her, Kirs. I can assure you that she’s okay now.” Ken assured her because he knows that Kirsten have that personality to get really protective when it comes to his Nanay Lola.
“That’s good to hear. Kinabahan talaga ako no’ng sinabi mo na may nangyari kay Nanay Lola, eh.”
He smiled. “I appreciate it, Kirs. She’s okay now than before, okay? ’Wag ka na kabahan diyan.”
“Okay okay. Sige na po pero sa susunod I’ll visit Nanay Lola basta ipaalam mo ako kay Mommy, ah.”
He laughed because he knew Kirsten would say that. “Sabi na eh pero sige for sure miss ka ni Nanay Lola.”
While they’re talking napansin niyang palabas na si Lucas sa studio kaya nag-excuse muna siya kay Ken para kausapin si Lucas. Ken just told her to talk to Lucas para mas ganahan ito sa competition nila.
“Uy, Lucas.” She said while tapping his shoulder. Palabas na sana si Lucas ng studio kung hindi lang siya tinawag ni Kirsten.
“Hmm?”
“Galingan mo mamaya, ah?”
Tumango naman si Lucas. “Sige, mauna na ako.”
“Saan ka ba pupunta? Nandito pa lahat ng ka-dance troupe niyo oh.”
“Bibili lang.” maikling sagot ng binata.
“Samahan na kita?” She offered him.
Umiling naman ito. “Huwag na. Sige, mauna na ako.”
Hinawakan ni Kirsten ang kamay nito para pigilan ito. “Iniiwasan mo ako at nagtatampo ka pa rin. It clearly shows, Lucas.”
He just shrugged. Just… Just cheer for me later then I’ll be okay.” He smiled at her before leaving the studio.
Hindi na niya pinigilan si Lucas. Well, kaya naman siya nandoon to cheer for them. She’s sure na she will cheer for Ken and Lucas lalo na they are representing her old school as well.
IT'S ALREADY ten in the evening when the competition ended. Sobrang saya ni Kirsten dahil ang school nila ang nanalo. Dance troupe nila Ken ang nanalo.
Dali-dali siyang dumiretso sa back stage nang matapos ang competition para i-congratulate sila Ken at Lucas pero habang papunta pa lang siya ng backstage, naka-receive na siya ng text.
Kirs, alam ko by now pupunta ka na ng backstage to congratulate us pero I'm really sorry kasi umalis agad ako. Wala kasing magbabantay kay Nanay Lola kaya umalis agad ako after ng announcement ng winners.
Samahan mo na lang si Lucas. Mukhang nagtatampo ’yong isang ’yon sa ’yo eh.
Ingat ka ah?
-Ken
After reading Ken’s text message nag-reply na lang siya ng congratulations and nagpakumusta siya sa Nanay Lola nito.
When she arrived at the backstage nakita niya agad si Lucas and Kirsten automatically smiled when she saw him there with this fellow troupe mates smiling from ear to ear because of their victorious win.
“Lu—” hindi na niya natapos ang pagbanggit niya sa pangalan nito dahil hinila siya agad ni Lucas palabas ng backstage. Wala man lang itong sinabi at basta na lang siya hinila.
“Uy, Lucas? Saan tayo pupunta? Are you causing trouble again?” She asked him pero hindi naman ito nagsalita but she noticed na ang dinadaanan nila ay way papunta sa rooftop. “Uy sa rooftop tayo pupunta? P’wede ba tayo rito?”
Hindi na naman sinagot ni Lucas ang tanong niya kaya hinayaan na lang niya muna na dalhin siya ni Lucas sa rooftop kaysa na mainis siya dito inintindi na lang niya ito.
When they arrived at the rooftop, namangha agad siya sa kaniyang nakita. Maraming flowers ang nandoon. Different kinds of flowers pero ang napansin niya talaga ay’yong mga napakagandang Sunflowers.
“Wow! Ang ganda.” Kirsten said at nilapitan niya agad ’yong mga flowers na nakatanim doon. Hindi niya alam na mayroon na pa lang mga flowers na nakatanim sa rooftop ng dati niyang school. Ang tagal na rin kasi niyang homeschooled at hindi na niya naabutan na mayroong flowers ang rooftop nila doon kaya namangha siya.
“I know right? Dito ako pumupunta kapag nalulungkot ako or if I just want to be happy lalo na kapag stressed ako. The flowers gave you a different feeling that can make you happy instantly.” It's Lucas.
She nodded. “I see. So, dito ka pumunta kanina. Am I right?”
He smiled a bit and scratches the back of his head. “Ang galing mo naman manghula ah.”
“You gave me a hint, eh. So, hindi ka na nagtatampo sa ’kin ngayon?”
Umiling naman ito sa kaniya. “Paano pa ako magtatampo? Nakita kaya kita kanina na fully energized sa pag-cheer sa grupo naming nila Ken.”
Shems, bakit pakiramdam niya namumula ang mukha niya?
“Nakita mo ako?”
“Sa ’yo lang naman ako nakatingin kanina, eh”
Hinampas ni Kirsten and braso si Lucas dahil ewan niya rin, ’yon na ang naging matic niyang reaksyon pagkasabi ni Lucas na sa kaniya lang ito nakatingin. ‘Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung gano’n ang sabihin sa ’yo?’ She thought.
Lucas flinched a bit. “Bakit mo ako hinampas? Totoo naman ’yon ah.”
“Sus, ang dami mo nga fangirls kanina.They are cheering for you with all of their might ’no! Talo pa nila ’yong sigaw ko kanina.” She laughed remembering all of the chaotic cheers during the competition.
“Fan boy mo naman ako eh kaya sa ’yo lang ako nakatingin.”
She rolled her eyes kaya natawa lang si Lucas sa ginawa niya.
“Tara, dito tayo?”
Sinundan niya si Lucas at umupo sila sa may edge ng building. May kinuha rin ito sa gilid niya at binigyan siya ni Lucas ng isang ready to drink milk.
“Gatas talaga?” She asked Lucas while opening the milk.
“Sabi kasi ni Ken you don’t like alcoholic drinks so that’s what I bought for you to drink tonight.” Lucas casually said while opening his canned beer.
“And beer for you? P’wede na ba yan sa ’yo, ha?” Kirsten curiously asked him.
“Of course. Occasional lang naman. Masama kapag araw-araw na iinom ng beer.”
She just nodded.
“Wanna try?” Lucas suddenly asked her.
“Just a sip.” She said at kinuha niya ang beer ni Lucas.
She shrugged after drinking a sip of the beer. “Ang panget ng lasa!” She blurted out so she give the beer back to Lucas and drink her milk instead.
“Alam mo ba ’yang ginawa mo?”
She’s confused though. Ano ba kasi ginawa niya? Uminom lang naman siya sa beer ni Lucas.
“That’s indirect kiss. Shet kinikilig ako.” Lucas said at mukha nga kinikilig talaga ang loko dahil namumula na agad ito.
She just laughed. Hindi naman ’yon ang unang beses na uminom siya sa canned drinks dahil minsan umiinom din siya sa inumin ni Ken but she just said, “Kaya pala. Kaya pala inalok mo ako, ah.”
Umiwas naman ng tingin si Lucas. “Luh, ngayon ko nga lang narealize eh.”
Umiling naman si Kirsten sabay tulak ng marahan kay Lucas “Mga galawan mo talaga, ah. Hokage eh ’no?”
“Hokage daw? Galawang pogi lang ’yon.”
Galawang pogi? She laughed because it’s just quite the same thing. “Oh see? Umamin ka rin, eh.”
Lucas just laughed.
They remained silent for a while.
“Why did you stop uploading your vlogs pala, Kirsten? Dati weekly ka mag-upload, eh. Ngayon parang wala na. Curious lang as your fan boy.”
She just casually smiled before sipping the milk Lucas gave her. “May pinopost pa rin naman ako sa blog ko ah?”
“That’s a different story, Miss Kirsten.”
“Nako, Lucas. Kung ikukwento ko sayo ngayon baka abutin tayo ng kinabukasan.”
“I won’t mind listening to your stories even if it takes time. Kahit umaga hanggang gabi ka magkwento makikinig pa rin ako.”
She’s not gonna lie that those flowery words from him always hits her. Ang sweet sa kaniya lagi ni Lucas, minsan nga iniisip niya na baka... Hay scratch that, ayaw niyang umasa and it’s gonna be complicated to start with especially with her situation.
“Are you tipsy already, Lucas? Kung ano-ano na ’yang sinasabi mo.”
He just smiled and assured her. “I’m not tipsy, Kirsten. Never pa akong nalasing. Alam ko ’yong mga sinasabi ko.”
She just nodded. “Okay. Pero hindi ko pa rin ikukwento kung bakit.”
“Why?”
“It’s hard for me, Lucas. Ayoko na balikan ’yong masakit na pangyayari ng nakaraan. And if I tell it to you, baka mag-breakdown na naman ako. We don’t want that to happen again, right?”
He just smiled at her and tries to understand the situation. “Okay. I won'’t make pilit kasi baka you’re going to make galit to me and we don’t want that to happen again, right?”
Napatingin siya kay Lucas nang sabihin niya ito. Hindi na niya napigilan ang pagtawa “Lucas, are you sure you’re not drunk? Bakit ang conyo mo right now?”
“I just want you to smile.” He said at humarap naman ito sa kaniya. They’re now facing each other “See?” tinuro pa ni Lucas si Kirsten. “Nakangiti ka oh.”
Pakiramdam ni Kirsten ang bilis na naman ng t***k ng puso niya but she just rolled her eyes.
“Cute mo kapag iniirapan mo ako.”
She’s now sure that Lucas is drunk. Kung ano-ano na kasing sinasabi nito sa kaniya.
“You’re really drunk, Lucas.”
He giggled. "You’re really pretty, Kirsten.”
Oh my god.