CHAPTER FIVE
Year 2018
KIRSTEN closed her eyes. Sinusubukan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili kahit na kinakabahan na talaga siya.
Hindi na siya bumalik sa Sky 9 eversince dahil may naaalala lang siyang hindi na dapat pang maalala pa kaya gusto niyang pigilan si Lucas pero hindi niya magawa. Nasigawan na niya ito kanina pero ayaw pa rin nitong makinig sa kaniya. She’s scared. She screwed up big time!
Natatakot siya pero hindi niya magawang kausapin ngayon si Lucas habang papasok na ito sa loob ng Sky 9. She felt that her heartbeat is racing so fast. She wanted to escape from that moment but she don’t know how.
Nang nakapag-park na si Lucas agad itong lumabas ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Nakatulala lang siya. Alam niyang kinakausap siya ni Lucas pero ayaw niyang kausapin ito at parang wala siyang maintindihan sa sinasabi nito dahil nasa iba ang atensyon niya.
“Kirsten, we’re here.” Ulit pa ni Lucas pagkatapos ay lumapit ito sa kaniya “Kirsten, are you okay?”
She looked at Lucas with her worrying face. She need to be firm with her decision. Kailangan ipakita niya kay Lucas na ayaw niya talaga. No is a no. “Lucas, let’s go home. Ayoko dito. Please, ayoko dito.” She may seem calm pero hindi talaga siya okay.
Hinawakan naman ni Lucas ang kamay niya at tiningnan siya. “What's the problem, Kirsten? Tell me.” Nakayuko na ito while still holding her hand. “Ang lamig ng kamay mo.”
“I don't like it here, Lucas.” she said, still avoiding Lucas’ gaze.
“Why? Maganda yung view dito, Kirsten. ’Di ba nakapunta ka na dito dati?”
Tumango naman siya. “I know but please let’s just go home. Please, Lucas. I want to go home.”
“We will not go home unless you tell me why. Kirsten, gusto ko lang naman mas mapalapit sa ’yo. I wanted to come here with you kasi nakita ko sa vlogs mo na sobrang saya mo no’ng pumunta ka dito dati at para mas makilala kita. Please, tell me why you don’t want to be here and I’ll stop insiting.”
She sighed. ’Di niya talaga kayang pag-usapan iyon kaya lumabas na siya ng kotse, still holding Lucas’ hand para kahit papaano may lakas siya to face that place again.
“Fine. Just don’t let go of my hands, Lucas. Stay by my side and don’t go anywhere without me.” Sinabi iyon ni Kirsten dahil ayaw niya sabihin kay Lucas ang nangyari no’ng huling beses na pumunta siya doon. Kaya para matapos na, pumayag na lang siya. Kahit na alam niya sa sarili niyang dapat mas sinunod niya ang kagustuhan niya na umuwi na lang.
Ngumiti naman si Lucas. “Okay, hindi naman kita iiwan.”
Tumango lang siya at sabay silang pumasok sa loob ng Sky 9. Pumunta agad sila sa counter to get their baller for them to enter the sight-seeing view of Sky 9. Maganda kasi doon kapag gabi.
Habang naglalakad sila papalapit sa bridge ng sightseeing sa Sky 9 she can already feel her hands sweating again, nanginginig na naman siya. Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ni Lucas kaya napatigil ito sa paglalakad.
“Kirsten, are you okay? Bakit ka nanginginig? Takot ka na ba sa heights? What is happening?” Lucas worriedly looked at her and noticed her pale lips which he told Kirsten right away.
No, she’s not afraid of heights kasi kung oo hindi niya magagawang mag-treck at pumunta sa iba’t ibang bundok sa Pilipinas. She’s not afraid of heights... may naaalala lang siya doon sa lugar na ‘yon.
Umiling lamang siya. “Okay lang ako. Tara.” she said kaya nagpatuloy sila sa paglalakad.
“Kirsten, you look pale. Should we go back now?” Lucas asked her.
“Nandito na tayo, Lucas. Let’s just finish this.” Habang papalapit na sila sa sightseeing napatigil na naman at napapikit si Kirsten. She sighed before saying ‘Kaya mo ’yan, Kirsten.’
Nang tatapak na siya sa bridge all of the memories from the past just got into her mind and gave shivers all over her body, mas lumala ang nginig niya and she felt tears falling from her eyes. “L-Lucas, h-hindi ko k-kaya...” and then she hugged Lucas. Iyak lang siya ng iyak. Naalala na naman niya lahat ng nangyari dati.
“Kirsten... W-wait. What’s happening?” Lucas said, he’s caressing her back though pero naguguluhan si Lucas sa nangyayari sa kaniya.
“A-ayoko na dito.” sabi niya habang umiiling. Nakayakap pa rin si Kirsten kay Lucas habang nakapikit na umiiyak. ’Di niya kayang tingnan ang lugar na yon dahil nasasaktan lang siya sa kaniyang naaalala.
“Aalis na tayo. Aalis na tayo dito, Kirsten." Lucas said. May mga lumapit pa nga sa kanilang mga staff pero Lucas said na kaya niya na patahanin si Kirsten kaya di na siya tinulungan ng mga ito.
Sinubukan ni Lucas na alisin ang pagkayakap ni Kirsten sa kaniya kaso ayaw siya nitong bitawan. “Lucas, ’wag mo akong bitawan. P-please...”
Naguguluhan pa rin si Lucas kaya he continues caressing her back and said, “Kirsten, don’t be afraid. Nandito lang ako. I will still hold your hand. Hindi naman kita iiwan eh. Aalis na tayo ’di ba?”
Medyo kumalma na si Kirsten. “Hindi mo ako iiwan?”
“Hindi kita iiwan, Kirsten. Let’s go. Just hold my hand while your eyes is closed, ako muna ang magsisilbing mata mo if you really don’t want to see the place. ’Di ko man alam ang dahilan kung bakit ka nagkaganito basta ang gusto ko lang gumaan ang loob mo kahit papaano.”
Tumango naman si Kirsten bago siya humiwalay sa yakap ni Lucas and she immediately hold his hand. Lucas kept on guiding her step by step dahil nakapikit siya.
Akala niya kaya na niya ulit harapin ang lugar na iyon pero hindi pa pala.
MEDYO NAHIMASMASAN na si Kirsten nang makarating na siya sa bahay nila. Hinatid na siya ni Lucas. Ayaw na niyang abalahin pa ang kaniyang best friend dahil sigurado siyang tutok na ito sa Nanay Lola niya.
Pinagbuksan agad ni Lucas ng pinto si Kirsten.
“Thank you, Lucas.” Kirsten said habang inaalalayan siya nito palabas ng kotse.
“No, Kirsten. I’m sorry. Hindi ka magkakagano’n kung ‘di tayo pumunta sa Sky 9. I should’ve listen to you when you said no. Dapat hindi na lang ako nagpumilit. Mali ko na pinilit kita.”
Kirsten hold Lucas’ hand and smiled. “Okay lang Lucas. Kasalanan ko rin kasi akala ko kaya ko na harapan yung lugar na ’yon pero hindi pa rin pala.”
She sighed. Ayaw rin naman niya kasing magtampo si Lucas sa kaniya kaya kahit alam niya sa sarili niyang natatakot pa siya sa lugar na iyon, hindi niya pinigilan si Lucas.
“I’m really sorry. Next time ikaw na lang tatanungin ko kung saan mo gusto pumunta kasama ako.” Lucas said.
Tumango naman si Kirsten.
Silence.
No one’s talking after that kaya umubo ng peke si Lucas. “Alam ko di mo pa kaya sabihin sa ’kin kung bakit ’yon nangyari sa ‘yo pero Kirsten tandaan mo na lagi lang ako nandito para sa ’yo. Alam ko, this is kinda of weird sa ’yo dahil fan mo lang naman ako at kung di ko kakilala si Ken at di mo rin siya kakilala, ’di naman tayo magiging magkaibigan... Pero sana magtiwala ka na sa akin. Promise, I will listen to you also. ’Di na kita pipilitin kung ayaw mo. I will listen na if you say no.”
She chuckled before hitting Lucas’ chest “You don't need to explain yourself, Lucas. Oo na. Basta ’wag mo na akong pipilitin ulit kung ayaw ko, ah? I have my reasons. If I’m ready to share it, sasabihin ko naman sa ’yo ’yon."
Tumango naman si Lucas.
Inalis na ni Kirsten ang kamay ni Lucas na nakahawak sa kaniyang kamay at papunta na siya sa gate ng kanilang bahay nang bigla siya tawagin ni Lucas.
“Kirsten.”
“Hmm?” She looked back at him.
Lumakad naman si Lucas papunta sa kaniya and she was shocked when Lucas suddenly kissed her forehead and said, “I'm really sorry, Kirsten. I’ll promise to be a better friend.”
She smiled and stared at him. “You should be, Lucas. Ngayon na lang ulit ako umiyak ng gano’n. Look at my eyes, it’s really swollen.”
He pouted his lips. "Kung p’wede lang magpalit tayo ng mata ngayon ginawa ko na. Para ako na lang may swollen eyes tapos ikaw hindi na swollen eyes.”
Hinampas ni Kirsten ang braso nito. “Sira ka talaga. Lawak ng imagination mo ah? Sige na, umuwi ka na. Gabi na oh. Uwi pa ba yan ng binata?”
Natawa naman si Lucas. “Ay wow. Mommy ikaw ba yan? Bakit parang lumiit ka?”
Hinampas ulit ni Kirsten sa braso si Lucas. "Sige, asarin mo pa height ko. Baka gusto mong kurutin ko singit mo?”
Lucas started laughing and said, “Damn it, ’wag kang ganiyan. Baka pumayag ako.”
She just rolled her eyes. “Ewan ko sa ’yo. Sige na. Umuwi ka na.”
Tumango naman si Lucas. “Sige basta kapag nakapasok ka na sa bahay niyo, aalis na ako.”
Hindi na sinagot ni Kirsten ang sinabi nito at pumasok na lang sa bahay nila.
As soon na makapasok siya sa bahay nila dumiretsyo agad siya sa k’warto niya at humiga sa kama niya. Then suddenly she heard her message tone.
It's Lucas.
When I said 'sorry' I really mean it. I hope you’ll be okay, Kirsten. Ayoko na makita kang umiyak ulit. I really regret my decision earlier on forcing you to come with me. I’m really sorry. I hope you accept my apology.
L.
She smiled before replying to his text.
Apology accepted. Still, thanks Lucas for not leaving my side earlier. I’m thankful you are there.
K.
Haaaaay, it's been a long day indeed.