CHAPTER FOUR
Year 2018
NASA LABAS na ng Trampoline Park si Ken nang dumating si Kirsten.
“Tss. As always lagi kang maaga.” wika ni Kirsten bago niya yakapin ang kaniyang best friend.
He just smiled. “Sanay na ako sayo, Kirs. Inaabot ka lagi ng one hour kung mag-ayos eh. Maghahanap ka pa ng damit mo, you’ll blower your hair, wear make up, choose shoes na fit sa susuotin mo.” Biro pa ni Ken.
Hinampas agad ni Kirsten ang braso nito nang sabihin iyon ni Ken. “Grabe ka sakin! ’Di ba p’wedeng mga forty-five minutes lang?” hirit naman niya kahit na alam niya sa kaniyang sarili na matagal naman talaga siya kumilos kaya palaging nauuna si Ken sa mga call time nila.
“Sus, nahiya ka pa. Eh parang gano’n na rin ‘yon ni-round off ko lang.” natatawang wika ni Ken.
She just rolled her eyes kasi totoo naman ang sinabi ng kaniyang best friend. “Tss, sige na. Totoo naman sinabi mo. Tara na nga! Baka asarin mo lang ako the whole day!”
Tumango naman si Ken as he escorted Kirsten on their way to the trampoline park.
“Nga pala, paano mo napapayag si mommy? Anong sinabi mo?” Kirsten asked Ken while they're lining up to get inside the establishment.
He smiled and proudly said, “I told tita na ihahatid kita pauwi at na pakakainin kita sa tamang oras.”
Kirsten laughed as soon as she heard what Ken said. "Jusko, bine-baby talaga ako ni mommy kahit kalian.”
Ginulo ni Ken ang kaniyang buhok. “Hey, gusto lang ni tita na safe ka. So alam niyang safe ka sa ‘kin kaya pumayag siya. Lakas ko talaga kay tita!”
She rolled her eyes before making a fake smile. “Yabang talaga! Ayan, diyan ka magaling eh ‘no, Ken? Tigil-tigilan mo ako sa pick up line mo na ’yan. Iwanan kita diyan eh.”
Now Ken’s giving her the look of sige-kaya-mo-ba “Oh talaga? Kaya mo bang iwan ako?”
She pouted her lips and said. “Hindi. Kaya tara na.”
Ken just smiled before getting the baller they need before entering the establishment. Agad naman sila pumunta sa changing room at nagpalit silang dalawa ng sporty outfit.
WHILE THEY’RE enjoying themselves sa trampoline park ay nagulat na lang bigla si Kirsten nang makita niyang naglalakad si Lucas papunta sa kanilang dalawa ni Ken.
Bakit nandito si Lucas?
“Hi Ken! Hi Kirsten.” wika nito nang makalapit na ng tuluyan sa kanilang dalawa.
“Oh, Lucas? Anong ginagawa mo dito? Akala ko umuwi ka na after ng practice natin.” Ken asked the other guy.
Lucas just pouted his lips. “Nagta-trampoline ano pa ba?”
Kirsten laughed at umiling sa sinabi ni Lucas. “Pilosopo ka talaga ’no Lucas? Stating the obvious.”
“I mean, at this hour? ’Di ba dapat uuwi ka na after practice?” Ken asked again.
“Eh ikaw, bro? ’Di ba dapat umuwi ka na rin kanina bakit kasama mo pa si Kirsten at this hour?”
Ken rolled his eyes, “We're just hanging around.”
Tumango naman si Lucas “Gano’n din ako. Kaso ’di pala masaya magsaya mag-isa. Buti nakita ko kayong dalawa dito.”
Kirsten nodded and said, “Then let’s make ourselves happy today. Sulitin na natin ’tong trampoline park lalo na’t we derserve this!”
They all agreed to enjoy the park because if they will not baka masayang lang bayad nila.
Nag-focus silang tatlo sa Gravity Jump area ng establishment na puno ng mga big sponge-like shapes na sobrang lambot at mas nagpapaganda ng experience nila doon to just have fun and enjoy the rest of the day. But to be fair, they also tried Gravity Fitness na mayroong kasamang exercise activities kaso sobrang nakakapagod agad kaya they decided na mag-focus doon sa Gravity Jump.
Inabot sila ng mahigit tatlong oras sa trampoline park bago sila magpasya na kumain sa isang fast food chain. It's already dinner time dahil seven o’clock na ng gabi.
“Ako na mag-oorder. Libre ko na kayo. Tutal para akong third wheel sa inyong mag-best friend.” Lucas said as soon as na makakuha sila ng upuan sa loob ng fast food chain restaurant na ’yon.
“Nako, Lucas. Selos ka lang eh.” Ken joked kaya natawa ito nang bigla siyang tiningnan ng masama ni Lucas bago ito pumunta sa counter.
“Oy, kayo ah. Baka mag-away kayo ni Lucas.” Io Kirsten said.
Ken shrugged. "Hindi ah. Ganiyan lang ’yan si Lucas. Saka he knows naman na best friend kita and I’m sure he doesn’t seemed to be bothered of what I said earlier din”
“I’m just making sure. Baka kasi ako pa maging dahilan ng friendship over niyo. Ayoko ng gano’n, Ken. You know me.” Kirsten commented kasi she’s scared na baka dumating ’yong araw na magsapakan si Ken at Lucas dahil sa kaniya.
“Nah, that will not happen.”
“Sigurado ka diyan ah? Nako, Ken. Babatukan talaga kita kapag nag-away kayo ng dahil sa ’kin.”
Ken laughed. "Trust me, hindi kami mag-aaway. Magkaibigan kami ni Lucas and he’s an open book, Kirs. Pansin mo naman agad sa actions niya if he’s sad, happy of even bothered. Madaling basahin si Lucas.”
Tumango naman si Kirsten and then they waited for Lucas to return to their table.
Nang mapatigin si Kirsten sa may counter nakita niya na dalawang tray ang nakalaan for Lucas to hold and she knew he can’t hold it kaya pumunta siya doon to help him.
“Naks naman, Kirsten. Pero okay lang naman kahit ’di mo ako tulungan." Lucas said when she got the other tray.
“Sus, pabebe ka pa. Baka masayang lang ’yong foods kapag natapon kaya tinulungan kita. Besides, libre mo na nga ito so might as well help you ’di ba?” Kirsten commented.
“Hindi ako si superman pero kaya kong magkunyaring si superman para lang sa ’yo. Yieee kilig na yan.” Bigla namang banat ni Lucas habang naglalakad sila palapit sa table nila.
Tinabig niya ng marahan si Lucas dahil natawa talaga siya sa sinabi nito “Nako, Lucas. Napapadalas ata yung paglipas ng gutom mo. Gutom lang ’yan.”
Natawa na lang din si Lucas at tumango. “Baka nga gutom lang ’to. Malalang gutom.”
Nang makarating na sila sa table nila nagulat si Kirsten nang makita niyang wala na doon si Ken at may iniwan lang itong mensahe na nakalagay sa isang tissue.
Kirsten, I'm sorry pero mauuna na ako. May nangyari kasi kay Nanay Lola. -Ken
“Nasaan na si Ken? Kung kelan naman kakain na tayo saka siya missing in action.” Lucas suddenly said nang malapag na niya ang pagkain sa lamesa. Wala naman kasi siyang natanggap na mensahe mula kay Ken kaya gulat siyang wala na ito sa table nila.
“I’ll call him.” Kirsten said at tumango naman si Lucas bilang sagot.
Kinakabahan din kasi si Kirsten kay Ken. It’s because his Nanay Lola was the one who raised him up dahil nasa China ang parents niya not until he become a teenager, ngayon kasi nakatira na siya sa house ng mom and dad niya sa Philippines pero he often visits his grandmother sa bahay nito kaya agad umalis si Ken nang malaman niyang may nangyari sa Nanay Lola nito.
Kirsten was about to dial Ken’s number but suddenly she received a text message from him.
Kirsten, don’t worry. I’m fine. It's just that Nanay Lola had a little injury. Nadulas kasi siya while she’s walking. Since malabo na yung mata niya she didn’t know na basa pala nalakaran niya kaya nadulas siya. It’s a good thing na kasama niya ang personal nurse niya sa bahay kaya medyo naagapan pa ’yong injury pero she needed to go to the hospital kaya they called me.
Wag ka na pumunta rito. Just enjoy the moment with Lucas. Call me na lang if susunduin na kita. I promised Tita Nancy pa naman na ihahatid kita pauwi. I’m really sorry. -Ken
When she read Ken’s text message, she immediately replied to him saying na if she needed to go to the hospital pupunta siya basta sabihin lang siya nito pero right now sinabi niya rin na she will just enjoy the time with Lucas at tatawagan na lang niya ito kapag uuwi na siya.
Super malapit sa loob niya ang Nanay Lola ni Ken kasi kapag nagta-travel sila dati ni Ken and they need a house to stay, laging sa Nanay Lola ni Ken sila pumupunta after their travel. Lagi pa nga sila nitong nilulutuan ng masasarap na pagkain kaya s’yempre nalulungkot siya. Sana maging okay agad ang Nanay Lola ni Ken. That’s her only wish at that moment.
“What happened?” Lucas asked her.
“Naaksidente ang Nanay Lola ni Ken kaya he needed to go the hospital. Susunduin na lang daw niya ako mamaya.”
Tumango naman si Lucas “Oh no. Teka message ko lang siya. Pero ikaw, kain ka na. Sa ‘yo na lang din yung in-order ko para kay Ken.”
She nodded and started eating. Puro chicken with fries ang in-order ni Lucas and coke float. Binilhan din siya nito ng Caramel ice cream.
“Oh, Lucas? Paano mo nalaman na gusto ko ang Caramel ice cream?”
He casually smiled. “I watch and read your vlogs and blogs. Isn’t it obvious?”
She rolled her eyes as a joke and said, “Oo nga pala. Ikaw na ang fan.”
He laughed before ating a fry. “Fan boy mo ako.”
She shrugged, “Nah, you’re my friend now.”
Lumaki mata ni Lucas. “Damn, pagkatapos nito magiging magbest-friend tayo tapos magiging boyfriend mo ako tapos magbebreak tayo tapos magiging stranger tayo sa isa’t isa? ‘Wag gano’n.”
Kirsten laughed. “Baliw! Ilang araw ka bang hindi kumakain at ganiyan sinasabi mo?”
Umiling lang si Lucas. “I just want you to smile. Simula kasi no’ng nalaman mong naaksidente Lola ni Ken naging malungkot ka na.”
She smiled “Thanks, Lucas. At least alam kong handa kang patawahin ako kapag malungkot ako.”
“Of course. Papasayahin kita palagi.” Lucas said at tinaas pa nito ang kaniyang kilay ng dalawang beses.
After their small talk kumain na muna sila dahil gutom na sila.
NANG MATAPOS na sila kumain, Lucas suddenly invited her to go to a place called Sky 9. She knew where it was because she had already went there before during her travels with Ken.
Sa ngayon, kahit na gusto na niya bumalik sa dating gawi ang buhay niya ay natatakot pa siyang bumalik o kahit man lang mag-travel o pumunta sa iba’t ibang lugar kasi naaalala niya ’yong nangyari two years ago.
The accident.
Sa totoo niyan kahit excited na talaga siya na mag-travel na ulit, parang umuurong ang dalawang paa niya kapag someone will tell her to go to a place and chill or something to do with traveling.
“Lucas, hindi pwede. Kailangan ko na umuwi. Magpapasundo na ako kay Ken.” She firmly said.
“Libre ko naman, Kirsten. Saka we will just enjoy the view there. Kahit five minutes lang tapos alis na tayo.”
Umiling siya. “Lucas, hindi p’wede.”
Lucas then pouted his lips trying to convience her again. “Sige na, Kirsten. Minsan lang naman, eh. Ngayon lang kasi magiging busy na kami ulit sa susunod na araw. Please?”
She shook her head again. “Hindi talaga p’wede, Lucas. Huwag na makulit. If it’s a no, it’s really a no.”
He sighed and nodded. “Ihahatid na lang kita pauwi kung hindi talaga p’wede.”
“Si Ken maghahatid sa akin, Lucas.”
He sighed again.
“Okay. I’ll just wait for him na sunduin ka dito.”
Tumango naman si Kirsten and then she called Ken kaso hindi ito sumasagot. She tried to call Ken for about seventeen times already kaso ayaw nito sagutin ang tawag niya.
“Lucas, ayaw sagutin ni Ken yung tawag ko. P’wede ikaw na lang maghatid sa akin pauwi??
Lucas nodded and then nagpasya na sila na pumunta na sa parking lot. May kotse kasi si Lucas. Umupo naman siya agad sa passenger seat pagkatapos ay nagsimula ng mag-drive si Lucas.
Sinabi niya kay Lucas ang address nila at agad naman niya iyon tinaype sa Waze since hindi familiar si Lucas sa subdivision nila.
While they’re on the road she noticed na parang iba na ang route na dinadaanan nila.
“Lucas, hindi na ito ang way papuntang bahay.”
Alam niya ang way na ‘yon. Papunta iyon sa Sky 9. She’s freakin’ out internally already pero hindi niya iyon pinapahalata.
“Kirsten, I’m sorry. I really wanted to come to Sky 9 with you. Please ngayon lang.”
Napapikit siya ng mariin.
“Lucas, you’re causing trouble! I need to go home. NOW!”