CHAPTER TWENTY-THREE Year 2018 NAKATINGIN LANG SI Ken kay Lucas nang mailipat na ito sa isang private room. Ayaw umimik ni Lucas magmula nang makita niyang nandoon si Ken. Kumukuha pa ng tamang tiyempo si Ken kung paano sasabihin kay Lucas ang mga nalaman niya. Patay malisya pa rin si Lucas kahit na alam nito sa sarili niya na may alam na si Ken sa kondisyon niya. Naiinis si Lucas sa kaniyang sarili dahil hindi natuloy ang balak niya na magpaalam sa dance troupe nila patungkol sa break niya pansamantala sa grupo nila. Naiinis siya dahil naunahan pa ng pagkahimatay niya ang balak niya sa pagtigil muna pansamantala sa dance troupe nila. “Tumawag kanina si Kirsten sa phone mo.” Kaswal na wika ni Ken habang inaabot sa lalaking kaibigan ang phone nito. “Sabi niya tataw

