CHAPTER TWENTY-TWO Year 2018 “WHAT THE F*CK is happening? Bakit bigla na lang nahimatay si Lucas?” Nagtatakang tanong ni Ken sa mga ibang kagrupo nito. Sa mga oras na iyon ay inaantay na lamang nila ang ambulansya at total blackout na si Lucas. Halata sa mukha ni Ken ang kaba dahil hindi na maipinta ang ekspresyon ng mukha nito. Lahat ng nasa studio ay nag-aalala kay Lucas dahil wala na itong malay. Unang beses nilang makita na nasa ganoong sitwasyon si Lucas kaya hindi nila alam kung paano ang magiging reaksyon nila. Ayaw na ayaw talaga ni Ken kapag may nahihimatay na lang sa harapan niya o ’di kaya bigla na lang may maaaksidente dahil naaalala lamang niya ang kaniyang Nanay Lola at ang kaniyang best friend na si Kirsten. Sa puntong iyon kabado siya sa anong posi

