CHAPTER TWENTY-ONE Year 2018 NAKALABAS NA NG hospital si Lucas matapos nito makausap ang doctor niya. Hindi naman nagkulang sa paalala ang kaniyang doctor at alam na rin naman ni Lucas ang kaniyang dapat gawin sa hindi dapat gawin. Ayaw din naman niyang mapabayaan ang academics niya dahil lang sa sakit niya. Alam ni Lucas na isa lang ang kaniyang sakit sa mga pagsubok pa na kaniyang makahaharap pa sa mga susunod na araw pero handa naman na siya sa kung ano mang mangyari sa kaniya. He just want to be happy as much as he can. Ayaw naman niya gawing miserable ang buhay niya dahil lang sa sakit niya. Lucas wants to still do anything that he wants even if he has that sickness. Siyempre everything will go under a precaution. Kung kaya niya sumayaw ng twelve hours sa is

