CHAPTER FOURTEEN
Year 2018
WHEN THE HALO-HALO was served agad na hinalo ito ni Luna at tinikman. “Wow! Masarap nga ang Halo-Halo nila!”
“Approved ba sa ’yo?” Tanong ni Kirsten kay Luna habang kinukuhaan niya ng litrato ang Halo-Halo. Plano kasi ni Kirsten na magsulat ng blog tungkol sa Halo-Halo ni Aling Taleng kaya minabuti niyang tinanong si Luna dahil sa kanilang tatlo si Luna ang may first time na matikman ang Halo-Halo sa Aling Taleng.
Tumango si Luna at sumubo pa ulit ng Halo-Halo bago ito nagsalita muli, “It’s really tasty ah! In fairness, this is one of the best Halo-Halo na natikman ko!”
Ngumiti ng malawak si Ken at napansin iyon ni Kirsten kaya inasar niya ito. “Oops! Kitang kita po ang pag-ngiti ni Ken habang nakatingin kay Luna! Grabe na po talaga ang mundo!”
“Kirsten, kumalma ka. Kami lang ’to.” Natatawang wika ni Luna.
“Grabe. Ngayon ko lang talaga nakitang ganiyan si Ken.” Hindi talaga makapaniwala si Kirsten dahil bukod sa si Luna ang unang babaeng pinakilala ni Ken sa kaniya ay iba talaga ang ngiti ng kaniyang best friend sa araw na ’yon. “Ang cute niyo! Dapat ako ang maid of honor sa kasal ah!”
Binatukan ni Ken si Kirsten pagkatapos sinabing, “Ang advance mo mag-isip parang hindi mo na binigyan ng chance mag-isip si Luna kung sino ang maid of honor niya ah.”
Humalakhak si Luna pagkatapos ay nginitian si Kirsten. "Wala pa man din, ikaw na talaga ang pipiliin kong maid of honor."
Kirsten sticked her tongue out to Ken and laughed. "Magkasundo na kami agad, Ken. Wala ka pala, eh."
Tumawa lang silang tatlo pagkatapos ay nagpatuloy na sila sa pagkain ng kanilang Halo-Halo.
Matapos nila kumain ng Halo-Halo ay nagpasya pa silang mag-take out ng pansit para mayroon silang makain sa bahay ni Kirsten pagkatapos nila lumibot sa Pansanjan. Hinantay lang nila ang pansit na mabigay sa kanila ng mga server pagkatapos ay bumalik na sila sa kotse ni Ken.
Habang naglalakad sila pabalik ng kotse ni Ken ay tinanong ni Luna kung saan na sila pupunta. “Ken, saan mo naman kami dadalhin ni Kirsten sa susunod?”
“Pagsanjan Falls. I’m sure narinig niyo na ’yon before. Iyon ang huling pupuntahan natin ngayon dahil mapapagod kayo after natin pumunta doon.” Ken explained habang kinukuha nito ang susi sa kaniyang bulsa. “One of the reason kaya pinagdala ko kayo ng damit kasi one hundred percent mababasa kayo sa falls.”
Humalakhak si Kirsten habang binubuksan ang pinto ng kotse. “It’s a waterfalls for a reason nga naman.” wika ni Kirsten bago ito pumasok sa kotse nang mabuksan na ni Ken ang kanilang sasakyan.
“True. Pero this is exciting, ha! Ang tagal ko nang hindi nakakapunta sa mga galaan like this.” sabi ni Luna habang papasok ng kotse. “Thanks to you two for taking me here.”
“Being the supportive bestie that I am, I’m super happy to join the both of us.” Kirsten said habang prenteng nakaupo na sa loon ng kotse. “Don’t worry hihiwalay ako ng bangka mamaya para magkaroon kayo ng moment.”
“Uy, grabe naman napaka-supportive!” Natatawang wika ni Luna habang nakatingin kay Kirsten. “Sabihin mo lang sa akin kung may-crush ka ah o baka gusto mong ireto kita.”
“Luna, kung sino man ang irereto mo kay Kirsten, dadaan muna dapat sa best friend.” Wika ni Ken habang ito ay tutok na sa daan dahil nagsimula na itong mag-drive papunta sa Pagsanjan Falls.
“Kung si Lucas baa ng irereto ko kay Kirsten, kailangan pa rin ng approval mo?”
Umismid lamang si Kirsten at umiling kay Luna. “Huwag, uy.”
Natawa naman si Ken pagkatapos ay nagkomento, “Seryoso ka diyan, Luna?”
“If papaya si Kirsten. If hindi, edi sa iba ko irereto si Kirsten.”
“Bakit naman kasi napunta sa retohan ang usapan.” Natatawang wika ni Kirsten. “This day should be your and Ken’s day.” wika ni Kirsten kay Luna at ngumiti ng kaunti. “Let’s not talk about Lucas and retohan muna and enjoy this day.”
Tumango si Luna. “Yeah, sorry about that.”
Curious lang kasi talagang tao si Luna dahil kanina pa nito napapansin ang pag-iwas ni Kirsten kapag si Lucas na ang nagiging topic nila. Ayaw naman niya masyadong mag-impose dahil baka biglang mawala sa mood si Kirsten at hindi na ma-enjoy ang araw na ’yon. She’s just comfortable around Kirsten even if it’s just her first time meeting her. Hindi naman kasi talaga inakala ni Luna na magiging close sila agad ni Kirsten ng gano’n pero she’s not complaining. She’s really happy na good terms sila ng best friend ni Ken.
Ken and Luna, they’re still not in a relationship but it’s getting there. Kamakailan lang kasi nag-confess si Luna na may gusto na ito kay Ken pero si Ken ay very open naman kay Luna na unang beses pa lang niya nakita si Luna ay nagkagusto na ito sa kaniya. They’re still taking things slow and casually dating pa lang sila.
“No, it’s okay.” Ngumiti si Luna at hinawakan ang kamay ni Luna para hindi ito ma-guilty. “I’ll tell you the reason sa susunod Luna. Huwag lang ngayon kasi I don’t want you to feel awkward kapag sinabi ko sa iyo ang dahilan.”
Tumango si Luna at ngumiti kay Kirsten. “Okay. Thank you, Kirsten. You’re really nice. Akala ko magagalit ka sa akin since I always bring him up sa conversation natin.”
“It’s okay, Luna. Gets ko naman he’s your friend eh.”
“He’s your friend too… right?”
“He’s our friend too, Luna. Don’t worry, like I said magsasabi rin sa iyo si Kirsten sa susunod.” Wika ni Ken na ngayon ay nagbukas na ng radio para hindi masyadong tahimik sa loob ng kotse.
“Okay. Thanks, Ken. For now, tulog muna ako ah? I always feel sleepy kapag after meal eh.” Wika ni Luna pagkatapos ay ipinikit na nito ang kaniyang mata.
Tumingin si Ken sa rear view mirror at tumingin kay Luna na tulog na tulog na pagkatapos kay Kirsten na ngayon ay nakatingin lamang sa phone nito. “She’s a lightsleeper, Kirsten. Huwag ka masyadong maingay ah.”
Tumango si Kirsten habang nag-scroll pa rin ng kaniyang phone. “Sure, Ken. Drive safely.”