CHAPTER FIFTEEN
Year 2018
MAKALIPAS ANG KAHALATING ORAS nakadating na sila Kirsten tourism office kung saan ay iiwan nila pansamantala ang kotse ni Ken at ipagpapaalam sa mga authorities ang kanilang balak sa pagpunta sa Pagsanjan Falls.
Tulog pa rin si Luna kaya si Ken naman ay tinawag si Luna nang mahina para hindi ito masyadong magulat. “Luna, we’re here.”
Luna being the light sleeper that she is was shocked that someone called her but smiled as soon as he saw Ken worriedly looking at her. “I’m okay na po. Gising na.”
Tiningnan lang sila ni Kirsten pagkatapos ay nagsalita, “Okay, cheesy moments nga naman. Tara na, let’s go out. May mga nag-aantay na sa atin.”
Nang makalabas sila ay may mga staffs na agad na naghihintay sa kanila. Sinabihan agad sila ng mga dapat at hindi dapat nilang gawin habang nasa Pagsanjan Falls at mayroon na ring naghihintay na tricycle sa kanila. “May tour guide naman kayo kaya huwag kayong mahiyang magtanong kay Romeo kapag nandoon na kayo sa Pagsanjan Falls.”
Tumango si Ken, Kirsten at Luna at agad naman sila sumakay sa tricycle. Excited si Kirsten nang makasakay na ito muli sa tricycle dahil matagal na ang huling beses na siya ay sumakay sa tricycle… As far as she remembered it, grade school siya noong huling sakay niya sa tricycle.
Katabi ni Kirsten si Luna habang si Ken naman ay nasa likod ng driver ng tricycle at napansin ng dalaga ang excitement ni Kirsten kaya binati ni Luna ito. “Uy! Excited ka ah! Hindi talaga halata na excited ka.” Luna joked around at tinawanan lamang ito ni Kirsten.
“It feels different when you’re not at the city, Luna. I’ve been a city girl almost my whole life and whenever I went back here at Pagsanjan, it just feels nice and surreal.” Explain ni Kirsten kay Luna na ngayon at tutok na tutok sa kaniya. “Kaya I’m really glad na I can do these kind of things again kahit saglit lang dahil baka bukas or I don’t know maybe next week nasa Manila na ulit ako.”
Luna nodded and smiled at her. “It feels so nice to travel with the people you love ’no? I’m glad Ken have a best friend like you, Kirsten.”
Ngumiti rin si Kirsten kay Luna. “He’s literally my soulmate but not romantically.” Kirsten laughed. “May gano’n siguro talaga na soulmate kayo but not romantically and I’m really glad Ken found you, Luna. To be honest, I haven’t asked him if kayo na ba o hindi pa pero it’s not on me naman, ’wag kayong ma-pressure and just enjoy each other’s company, okay?”
Tumango si Luna. Hindi ito makapaniwala na may taong kagaya ni Kirsten na supportive best friend. Lagi kasi niya nakikita sa mga movies na palaging kontrabida ang mga girl best friend pero iba si Kirsten. She’s really sweet kahit na iyon pa lang ang pagkakataon nila ni Luna na magkasama.
“You know, Kirsten. I’m planning to get to know him muna. We’ve become friends ilang months ago lang and ayoko naman na magmadali.” Luna chuckled. “Saka recently lang din siya nagsabi sa akin ng feeling niya and me too.”
Tumango si Kirsten at hinawakan ang kamay ni Luna. “I’ll support the both of you no matter what happen, okay?”
Ngumit lang si Luna kay Kirsten at tumango.
Makalipas ang ilang minuto ay sumenyas na ang kanilang tricycle driver na nandoon na raw sila sa Pagsanjan Falls. Unang bumaba si Ken pagkatapos ay inalalayan naman nito ang dalawang babae sa paglabas ng tricycle. Agad naman silang sinabihan ng kanilang tour guide na si Romeo na mag-iingat sa paglakad para iwas sa aksidente.
“May mga bangkero naman dito.” sabi ni Romeo habang sila ay naglalakad. “Nabanggit sa akin ni Ken kanina na hiwalay daw si Kirsten sa bangka?”
Tumango si Kirsten sa kanilang tour guide at sinabing, “Opo. Dahil supportive bestie ako, gusto kong ma-enjoy ni Ken at ng potential jowa niya ang bangka ride nila mamaya.” Natatawa pa si Kirsten dahil namumula si Luna at halatang kinikilig naman si Ken. “Third wheel po kasi ako dito Kuya Romeo pero supportive third wheel naman ako.”
Tumawa lamang si Ken pagkatapos ay binatukan si Kirsten. “Ang daldal na naman ni Kirs. Hindi lang tayo ang nandito, naririnig ka nila.”
Umiling lang si Kirsten sa ginawa ni Ken. Hindi naman talaga mahiyain ang best friend niyang si Ken pero siguro dahil lantarang niyang inaasar ni Kirsten habang kasama nito ang potential girlfriend niyang si Luna at madaming taong nakarinig ng pang-aasar ni Kirsten kay Ken ay nahiya ito. Dahil na rin sa first time ni Ken na magkaroon ng special someone, hindi pa siya ganoong kasigurado kung paano mag-react sa mga pang-aasar sa kaniya.
“Single po itong kasama naming baka gusto niyo pong i-mine!” Biro ni Ken kay Kirsten at natawa naman si Luna sa ginawa nito.
“Hoy! Ayoko pa ng boyfriend! Tumigil ka diyan, Ken!” sabi ni Kirsten kay Ken pagkatapos ay tumingin naman ito kay Luna. “Single ka pa rin hindi ba, Luna?”
Sinamaan ng tingin ni Ken si Kirsten pagkatapos ay sinabing, “Hindi siya single. Hindi kami single kasi we have each other.”
“Napaka talaga nito! Laging may baong banat. Mga taong in love nga naman oo!” Kirsten rolled her eyes at nagmadali na lang maglakad. Pabiro lang naman iyon kaya hindi na rin masyadong nag-react si Ken at Luna sa dalaga.
NANG MAKARATING SILA sa may pangpang ay agad namang may mga bangkero na inalalayan sila sa pagsakay sa mga kani-kanilang bangka. Magkasama si Ken at Luna sa iisang bangka habang si Kirsten naman ay mag-isa lamang kaya may kasama itong bangkero para alalayan siya.
Inilibot ni Kirsten ang kaniyang mata sa paligid habang nagsisimula na itong mamangka. It’s been a long time since she experienced that kind of thrill and excitement. Sobrang saya niyang makalabas ulit na para bang legit na nagtatravel ulit. Even if she doesn’t consider that mini tour to Aling Taleng’s Halo Halo and now at Pagsanjan Falls as a legit travel, she’s really happy. Alam ni Kirsten na kapag nalaman iyon ng kaniyang Mommy Nancy ay magagalit ito kaya habang nasa Laguna siya ay i-eenjoy niya muna ang paglabas labas kahit paminsan minsan.
“This feels so nice!” She screamed from the top of her lungs and she saw Ken and Luna laughing at her. She looked at them and smiles widely as she said, “Enjoy kayo diyan, lovebirds!”
The whole place is so relaxing for Kirsten. Mabango ang simoy ng hangin. Maganda ang agos ng tubig na nagmumula sa falls. Tirik ang araw ngunit hindi niya iniinda ang init dahil sa ganda ng lugar. It’s one of the pretiest falls na napuntahan niya.
Kirsten managed to keep on paddling until they reached the exact falls… Iyong laging pinupuntahan ng mga turista. Inalalayan siya ng bangkerong kasama niya at ibinigay niya ang kaniyang cellphone para kinuhaan siya ng litrato nito sa falls. Nakita naman niya mula sa kabilang banda ay kinukuhaan din ng bangkero ng litrato ang kaniyang best friend at ang potential girlfriend nito. Kitang-kita sa mukha ng dalawa ang saya.
“Ma’am, kuhanan niyo na po ng litrato ang falls tapos na po ako mag- picture sa inyo.” wika ng bangkero at ibinalik na nito ang kaniyang cellphone. Nagsimula naman agad si Kirsten na kumuha ng litrato ng paligid para makabalik na rin sila agad sa pangpang.
“Kirsten!” Dinig niyang sigaw ni Luna sa kabilang banda habang kumakaway ito sa kaniya. “Thank you!”
Tumango si Kirsten at ngumiti.
She’s happy that she made a new friend that enjoy her company not just Ken’s company.
‘Thanks, Luna… for making my best friend happy’