Chapter 12
Year 2018
“KIRSTEN, you better help me on this one.” Ken uttered while putting some barbecue on the grill.
“Yes, Sir!” Said Kirsten as she walk towards him.
They’re at a resort. Actually nasa tapat lamang iyon ng bahay nila Kirsten sa Laguna. It’s been a month since Kirsten stayed at their house at Laguna and it’s pretty refreshing for her. Matagal na rin kasi ang huling stay niya doon and sa totoo lang ayaw niya talagang pumunta doon dahil malayo iyon sa bahay nila sa Manila. Kaso wala naman siyang magawa dahil utos iyon ng kaniyang mommy and she didn’t know that it will be a good idea pala na mag-stay doon for a month.
That day Ken visited her because it’s her last day there. Sinabihan kasi siya ng kaniyang mommy na kapag one month ay hindi na siya ginugulo pa ni Lucas ay pababalikin na siya nito sa Manila. It’s a good news to her and to her mom as well because Lucas didn’t bother her for a month kaya makababalik na siya sa Manila.
“On the second thought, ikaw na lang kaya kasi tinimplahan ko naman ’yan kanina eh.” Wika ni Kirsten. “Ikaw na lang mag-ihaw niyan, Ken.” Kirsten tried her best para magpacute kay Ken pero ang kaniyang best friend ay hindi natinag.
“Ayoko nga. You need to help me kasi tayo lang naman ang kakain nito ’no.” Tiningnan siya ni Ken. “Well, unless na gusto mo ako lang ang kakain nitong lahat. You choose.”
Kirsten rolled her eyes on him. “Alam mo? Napaka daya mo talaga kahit kailan!" Inis na wika ni Kirsten at kumuha na ito ng stick para ilagay ang meat doon. “Oo na. Eto na po, kamahalan”
Humalakhak si Ken at nagpatuloy sa pag-ihaw ng mga barbecue. “Ayan good ’yan. Kaysa naman na kung ano-ano lang ang gagawin mo habang ako ay nag-iihaw dito.”
“Dami mo talagang alam ’no? Porket alam mo lang babalik na ako sa Manila ganiyan ka na pero no’ng mga ilang days pa lang ako dito sa Laguna ang bait-bait mo sa ’kin kapag kachat kita.” Reklamo ni Kirsten habang naglalagay pa rin ng meat sa barbecue stick.
“It’s time ulit para asarin ka.” Ngumisi si Ken. “Besides gano’n naman na ako dati pa.”
“Alam ko. Kaya hindi ka pa nagkaka-girlfriend kasi ganiyan ka eh.”
“Ano?”
“Ganiyan. Mapang-asar.”
“’Di mo lang alam baka may na-fall na sa akin.”
Lumaki ang mata ni Kirsten at hinampas si Ken. “G*go ka kapag ’di mo siya sasaluhin ah! Ayusin mo buhay mo, Ken!”
Humalakhak si Ken. “Ako unang nagkagusto sa kaniya, Kirs. Lately she confessed that she likes me too,” k’wento nito. “Sa susunod ipapakilala ko siya sa ’yo. I’m sure magkakasundo kayong dalawa.”
Lumapad ang ngiti ni Kirsten at tumango ito. “You know what? Sobrang spontaneous lang nito pero why not papuntahin mo rito ’yong potential girlfriend mo?” Nakangiting wika ni Kirsten habang nakatingin sa kaniyang best friend. “I think it’s a better idea, Ken! Ipakilala mo na siya sa akin. Papuntahin mo siya dito. May approval ko naman.”
Tinitigan ni Ken si Kirsten ng matagal pagkatapos ay umiling ito. “Uuwi ka na hindi ba? Kaya nga may farewell party tayo ngayon na tayong dalawa lang eh.”
“Let’s invite this person you like, Ken! We can stay here for another month if you want. I mean, I want to go back to Manila pero if she wants to explore Laguna, invite her here.”
“Alam mo, Kirs? Hindi ako mananalo kapag ganito ang usapan kasi alam kong pipilitin mo ako na papuntahin siya dito. Kilalang-kilala na talaga kita.” Natatawang wika ni Ken habang patapos na ito sa paglagay ng meat sa barbecue stick.
“Alam mo pala eh,” Humalakhak si Kirsten. “Hangga’t maaga pa, papuntahin mo na siya rito… or maybe sunduin mo siya kasi I’m sure she’ll appreciate it.” Suhestiyon ni Kirsten.
“Mga spontaneous thinking mo talaga ano, Kirs?”
Uminom ng tubig si Kirsten pagkatapos niya ilagay ang meat sa barbecue stick at sinagot si Ken, “Oo naman. Saka ikaw na rin naman nagsabi na magkakasundo kami ng potential girlfriend mo ’no kaya might as well na papuntahin siya rito.”
Umiling si Ken at natawa na lang ulit. “Alam mo, I already knew this would happen the moment I open up her to you,” Tumigil si Ken panandalian at tumingin sa kaniya. “Sige, susunduin ko siya. Does it mean you’ll stay here for another month?”
“Not sure if another month pero if your potential girlfriend wants to roam around Laguna we can take her there or maybe kayo magkasama then I’ll go somewhere else.”
Umismid si Ken. “Wow, iba talaga kapag malayo ka kay Tita Nancy ah. Nakakalabas ka na ng walang magbabawal sa ’yo.”
“If isusumbong mo ako, pagbabawalan ako.” Natatawang wika ni Kirsten. “But I’m sure alam naman ni Mommy na safe ako rito kahit na gumala ako kahit saan sa Laguna.”
“Ang kulit mo talaga kahit kailan, Kirsten! You’ll always do what you want.”
Kirsten smirked. “Oo naman ’no. It’s my life after all. I just don’t want to disappoint Mommy pero siyempre minsan gusto ko pa rin naman na desisyon ko ang nasusunod just like now. Kaya sige na sunduin mon a ’yong girlfriend mo—potential girlfriend pala.”
Binatukan ni Ken si Kirsten at tumawa ito. “Botong-boto ka agad, ah? Hindi mo pa nga alam kung sino tinutukoy ko!”
Kirsten rolled her eyes. “Kaya sunduin mo na siya nang malaman ko kung sino siya.”
Tumango na lang si Ken at saka tinulungan na niya si Kirsten sa paglagay ng mga meat sa barbecue stick. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang kaniyang phone at may tinawagan. “Sunduin kita in a few minutes. Okay lang naman sa ’yo, right? Sige, I’ll be there. See you.”
“Oh, si potential girlfriend mo na ba ’yan?”
Tumawa na lang si Ken. “Yeah. Buti na lang kamo tapos na siya sa thesis niya and pumayag siya to come here. Malapit lang siya dito, Kirsten. Make sure lang na nakapagluto ka na ng barbecue once na makabalik ako rito with her.”
Kirsten rolled her eyes and shaked her head. “Mukhang mali ata desisyon ko na papuntahin dito potential girlfriend mo. Mukhang magiging thirdwheel pa ako dito ng wala sa oras.” Natatwang wika ni Kirsten. To be honest, she’s just kidding kasi she’s really happy that finally her best friend have someone who he considered to be his potential girlfriend. Sa tagal kasi nilang magkaibigan ni Ken, ’yon lang ang unang beses na may ipapakilala ito sa kaniya na potential girlfriend. “Sige na, mag-iingat kayo. Kailangan buo pa kayo kapag dumating kayo dito.”
Humahakhak si Ken pagkatapos ay ginulo ang buhok ni Kirsten. “Oo, Kirs. Magmamahalan pa kasi kami kaya dapat buo kaming makadating dito.”
Tiningnan ng masama ni Kirsten si Ken pagkatapos ay sinabing, “Tse! Porket may potential girlfriend gan’yan ka na agad. Yabang mo talaga, Ken!”
“Right person will come at the right time, Kirs. Tiwala lang.” Iyon ang huling sinabi ni Ken bago ito nagpaalam kay Kirsten na susunduin na nito ang potential girlfriend niya.
INABOT NG THIRTY minutes bago nakabalik si Ken sa resort sa tapat ng bahay nila Kirsten at kasama na niya ang potential girlfriend niya. Naabutan pa nga ni Ken na nag-iihaw si Kirsten doon at tila bang sumasayaw pa ito habang nag-iihaw.
Tumawa ng marahan si Ken habang hawak ang kamay ng potential girlfriend nito. Sabay silang pumasok sa cottage at nilapitan si Kirsten. “Kumusta naman ang pagluluto, Kirs?”
Natapon bigla ang isang barbecue na dapat ilalagay ni Kirsten sa grill dahil nagulat ito nang biglang may nagsalita. “Parang tanga naman, Ken! Nanggugulat ka! Sayang ’yong isang barbecue oh!”
Humalakhak lang si Ken pagkatapos ay nag-sorry. “I just don’t know paano ka tatawagin kasi sumasayaw ka, eh.” Sabi ni Ken pagkatapos ay tiningnan niya ang potential girlfriend niyang si Luna. “Oh, ipapakilala ko na sa ’yo si Luna. This is Luna, she’s my potential girlfriend.”
Lumaki ang mata ni Kirsten pagkatapos ay lumapit sa kanilang dalawa. “Oh my god! Ikaw na pala ’yong potential girlfriend ni Ken!” Kita sa mga mata ni Kirsten na masaya itong makita si Luna. “Hi, Luna! I’m Kirsten by the way. Buti pumayag ka na pumunta dito.” Wika nito pagkatapos ay inilahad niya ang kaniyang kamay.
Tumango naman si Luna at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Kirsten for a shake hands. “Hi, Kirsten! It’s so nice to meet you! Alam mo bang nakukwento ka ni Ken sa akin kaya excited nga akong makita ka, eh.” Masaya rin si Luna na makita si Kirsten dahil bago nito nakilala si Ken ay nakakanood na ito ng videos ni Kirsten sa YouTube. “Ken, mag-uusap muna kami ni Kirsten, ikaw na muna magtuloy sa pagluto ng barbecue.” Dagdag ni Luna pagkatapos ay inalis nito ang pagkahawak ni Ken sa kamay niya at umupo silang dalawa ni Kirsten sa vacant chairs.
Tumawa si Kirsten at inasar si Ken nang makaupo na ito sa tabi ni Luna. “Oh my god! Ikaw pala ang thirdwheel ngayon, Ken! Sabi ko na ng aba eh we won’t do the hard work here. Ikaw na rin talaga ang chef today. We’re queens today.”
“Si Luna lang ’yong queen ko ’no.” Wika ni Ken pagkatapos ay tinuloy na nito ang pagluluto ng barbecue. “Kidding aside, sige na. Mag-usap lang kayo diyan mamaya may mga food na sa harapan niyo habang nag-uusap kayo.”
“Naks. Masyadong ginagalingan ni Ken. Sige na. Cook well!” Natatawang wika ni Kirsten.
NANG MATAPOS MAGLUTO si Ken ng mga barbecue ay umupo na ito sa kaliwa ni Luna dahil nakaupo si Kirsten sa kanan nito.
“So, paano kayo nagkakilala ni Ken, Luna? Curious ako.” Seryosong tanong ni Kirsten sa dalaga na ngayon ay nakatingin lang kay Ken at tila bang natatawa pa ito.
“To be honest we got to know each other dahil sa kagrupo ni Ken. Si Lucas. Kilala mo ba siya?” Luna asked her.
Hindi alam ni Kirsten kung ano ang dapat na maging reaksiyon pero sinabi na lang niya kay Luna na kilala niya si Lucas. “Oo. Kagrupo ni Ken. Kilala ko naman siya.” Matipid na sagot ni Kirsten.
Nagtaka ng kaunti si Luna bakit tila nawala ang pagiging excited ni Kirsten nang marinig nito ang pangalan ni Lucas pero hindi na lang niya ito pinansin at itinuloy ang pagkukuwento. “Common friend naming si Lucas kasi orgmate ako ni Lucas. Mayroon kaming sinusupport ni Lucas na isang orphanage. One time nakita ako ni Ken kasama si Lucas sa campus and that’s when it started.”
“Cool.” Matipid na sagot ni Kirsten at ngumiti.
“Alam mo bang kay Lucas kita nakilala bago kay Ken.” Natatawang wika ni Luna. “Napanood ko videos mo sa YouTube because of him. Lagi kasi siyang excited when he’s telling me about your videos and blogs as well.” Ngumiti si Luna kay Kirsten pagkatapos ay kumain muna ito ng isang pirasong barbecue bago nagsalita muli. “Pero napakaliit nga talaga ng mundo kasi bestfriend ka pala ni Ken. It’s really amazing how our universe works this way ’no?”
Tumango si Kirsten at saka tinanong muli si Luna. “Speaking of Lucas, nakakausap mo pa rin ba siya? Curious lang ako.”
“Masado ka atang curious, Kirsten.” Luna laughed. “Kidding aside. Hindi na. Nagtataka nga ako kasi it’s been a month or two since the last time I saw him. Hindi na rin ito nagrerespond sa mga text ko whenever I tell him na pupunta ako sa orphanage.” Nag-aalalang wika nito. “The last time I saw him sobrang payat niya. I don’t know if he’s even taking care of himself.”
Hindi alam ni Kirsten ano ang isasagot kay Luna pero tumango na lang ito at pagkatapos ay nagsimula na rin kumain ng barbecue na niluto ni Ken.
“Oo nga pala! Bakit hindi mo siya pinapunta dito? Kilala mo rin si Lucas hindi ba?” Luna curiously asked Kirsten.
Sumingit naman bigla si Ken sap ag-uusap ni Kirsten at Luna. “Busy siguro si Lucas. Hayaan niyo na. Ikaw nga hindi ka na ulit kinakausap hindi ba?”
Luna sighed. “Sabagay pero sayang mas masaya siguro kung nandito si Lucas ’no, Kirsten?”