CHAPTER ELEVEN
Year 2018
“KIRSTEN!!! Why is this man here in our house?!” Nagising si Kirsten dahil sa sigaw ng kaniyang Mommy Nancy kaya naman agad siyang bumaba para tingnan ang nangyayari doon.
Nakita niyang masama ang tingin ng kaniyang mommy kay Lucas at si Lucas naman ay nakayuko lang.
“M-ma, mahabang istorya ka—”
“Wala akong pakialam! I don’t want to see him here in our house! Siya ’di ba ang dahilan kaya ka naaksidente ’di ba? Diba? Bakit siya nandito?!"
Yumuko lamang siya.
“Pasens’ya na po. Aalis na po ako. ’Wag niyo na po pagalitan si Kirsten. Kasalanan ko po talaga. Pasens’ya na po. Aalis na po ako.” Lucas said habang nakayuko. Agad naman siyang lumabas ng bahay nila dahil na rin sa kabang naramdaman nito.
Sinundan naman ni Kirsten si Lucas kahit na pinagbawalan siya ng mommy niyang lumabas. “Lucas!”
“Kirsten, sorry. Napagalitan ka pa tuloy. Aalis na ako.”
Tumango na lang siya.
“Salamat pala ulit. Wag kang mag-alala ito na ’yong huling pagkikita natin. Masaya na rin naman ako dahil nakausap kita kahit papaano. Ito na siguro ’yong kabayaran ng ginawa ko dati... Oh siya. Alis na ako. Mag-iingat ka palagi ah?" He said. Ngumiti pa ito sa kaniya bago ito tuluyang lumabas ng kanilang bahay.
Hindi niya maintindihan pero parang nasasaktan siya sa mga sinabi nito sa kaniya. Hindi niya rin alam bakit gano’n ito magsalita.
Pero mas mabuti na rin siguro ang gano’n. Para wala ng gulo. Para tahimik na ang lahat.
“TITA NANCY really want you to go to your province para makalayo kay Lucas?” Ken asked her. Nasa isang coffee shop silang dalawa ni Ken ngayon. Pagkatapos kasi ng insidente kaninang umaga sa bahay nila Kirsten kinausap siya ng kaniyang mommy na sa probinsya na lang daw nila siya mag-stay for one month.
“Yeah, I guess. Ayaw niya na makita ako ni Lucas. Alam kasi niya na kapag nandito ako sa Manila makikita at makikita pa rin ako ni Lucas.”
“Oh, ayaw mo ba no’n? At least doon safe ka. Alam naman natin na ’yon lang ang gusto ni tita. ’Yong safe ka."
“But... Isn’t it too much? I mean, galit ako sa kaniya dahil sa nangyari pero lilipas din naman ang galit eh. Medyo nabawasan na nga ’yong inis ko sakaniya eh. He’s still my friend after all. Siguro talagang nagulat lang ako na sa dinami-rami ng tao siya pa ’yong isa sa naging dahilan sa cause ng trauma ko.”
Ken sighed.
“You’re right though. I’m sure he have his reason. I tried to talk to him also after the incident sa hospital pero hindi naman siya nagsabi ng reason. Sabi niya lang sa araw na ’yon namatay ’yong father niya pero wala ng iba.” Ken explained. Mukha nga nag-iisip pa ito ng kung ano pang rason ni Lucas pero wala siyang ibang maisip.
“His father died on that day?” Kirsten was shocked because she didn’t know that.
“Yeah. ’Yon lang ang sabi niya.” Ken said and added, “Nakakalungkot nga eh.”
She sighed. “Sa tingin ko we shouldn’t talk about this, Ken. Lalo na’t paalis ako baka...”
Napakunot-noo si Ken, “Baka ano?”
Hindi nakapagsalita si Kirsten. Para bang may iniisip pa siyang malalim at tila may bumabagabag sa kaniyang isipan.
“W-wala.” Kirsten said quite stuttering. Pagkatapos niyon ay natigil sila sa pag-uusap pero pagkalipas din ng ilang minuto biglang nagsalita ulit si Kirsten.
“You already like him. Am I right?” Nagulat naman si Kirsten sa biglang sinabi ni Ken. “Kaya hindi mo rin matanggap no’ng una na siya ’yong nag-cause ng isa sa trauma mo kasi gusto mo na si Lucas?”
Hindi makasagot si Kirsten pero isa lang ang sigurado siya at ’yon ay ang bilis ng t***k ng puso niya sa mga oras na ’yon.
She laughed casually and said, “Hala oh. Saan mo naman nakuha yan ah? Of course not.”
Inirapan lang siya ni Ken at talagang hindi naniniwala sa sinabi niya. “Don’t lie to me, Kirsten. I know you like him.”
“No.” Mabilis niyang sagot.
“Or maybe you still haven’t realized it yet?”
“No.” Sabi ni Kirsten ulit.
“Whatever, Kirsten. Kahit pa itago mo ’yan sigurado naman ako na gusto mo siya kahit hindi mo pa sabihin sa ’kin.” Ken stated pero ayaw pa rin magpatinag ni Kirsten.
“Kulit mo talaga, Ken. Wala nga akong gusto sa kaniya. He’s just a friend. Just a friend.” Nang sabihin ’yan ni Kirsten napailing na lang si Ken. Ayaw talaga paniwalaan ni Ken ang sinasabi ng kaniyang best friend.
“Hindi mo naman mapapatawad agad si Lucas ng gano’n na lang if you don’t like him. Kirsten, lagi mong sinasabi sakin dati na hindi mo mapapatawad ’yong taong nag-cause ng trauma mo. You always say that to me. Eh, ano na nangyari ngayon? Sinabi mo kanina na medyo nabawasan na ’yong inis mo sa kaniya and you also stated na siguro nagulat ka lang dahil sa dinami-rami ng tao si Lucas pa nag-cause ng trauma mo. Si Lucas na gusto mo na ngayon.” Ken explained kaya natameme si Kirsten. Walang masabi si Kirsten at hindi niya talaga alam ang sasabihin sa kaniyang best friend. “I'm your best friend, Kirsten. At alam kong espesyal si Lucas para sa ’yo kahit hindi mo sabihin sa akin.”
Napayuko na lamang si Kirsten habang sinasabi iyon ni Ken sa kaniya. “Ewan ko sa ’yo. Sinabing hindi ko nga siya gusto. Oh sige na nga, pupunta pa ako sa convenience store may mga bibilhin pa ako eh.”
Ken just laughed a bit. “Hatid na kita.”
“Okay lang ba?” Kirsten asked.
“Yeah. Gusto mo hanggang Laguna pa eh?” Ken joked.
“Hinahamon mo ako ah. Sige. Ihatid mo ako. Okay lang ba talaga sa ’yo?" Kirsten asked once more just in case Ken’s just kidding.
“Of course. Akin na susi ng kotse mo. Naka-ready na ba mga gamit mo?” Sagot agad ni Ken na tila bang ready na talagang ihatid siya sa Laguna.
“Oo naman pero bibili muna ako sa convenience store ah.” Tumango naman si Ken na nagsilbing sagot nito sa sinabi ni Kirsten.
PAGPASOK NI KIRSTEN sa convenience store na malapit sa kanilang subdivision isang pamilyar na pigura agad ang kaniyang napansin.
‘Bakit siya nandito?’
She asked herself. But she’s just like a fool to ask herself that kasi nasa convenience store siya at malamang may bibilhin doon si Lucas kaya nandoon siya.
There. She said it. Si Lucas ang pamilyar na pigurang kaniyang nakita na tila nahihirapang pumili kung ano ang bibilhin nito sa junk foods section.
She just sighed at dumiretsyo na lang sa bread section ng convenience store and while she’s picking the bread that she want biglang may napansin siyang nasa gilid niya kaya napatingin siya rito.
It’s Lucas.
Nagulat si Lucas nang makita niya si Kirsten. Sa katunayan nga ay hindi niya alam ang kaniyang sasabihin kaya napatitig na lang siya sa dalaga at napangiti ng marahan.
“Sorry, Kirsten.” Nagulat siya nang biglang sabihin iyon ni Lucas pero hindi na lang niya ipinahalata iyon “Sabi ko sa ’yo kanina iyon na ang huling pagkikita natin but here I am. Naisipan ko kasing bumili ng makakain kaya ayun... pero paalis na rin naman ako,” He stopped for a while and just looked at her. “Aalis ka?” He asked at tumango naman si Kirsten. “I see. Mag-iingat ka. I’ll go ahead.” Iyon ang huling sinabi ni Lucas bago siya kumuha ng Clubhouse sandwich at pumunta ng counter para bayaran ang mga binili nito.
Kirsten sighed and just get the sandwich that she want and went to the biscuit part of the convenience store and get some biscuit also. Kumuha na rin siya ng kaunting junk foods at drinks nila ni Ken para habang nasa biyahe mayroon silang kakainin at hindi na bumili pa ng pagkain kapag nasa daan na sila.
After she bought the foods that she wanted agad siyang pumunta sa kotse at inilagay ang pagkain sa backseat.
“Nakita ko si Lucas na lumabas kanina. Nagkita kayo?” Ken immediately asked as soon as she buckled her seatbelt.
Tumango si Kirsten. “I didn’t expect to see him there.”
“I’m sure he didn’t expect to see you there also.” Ken replied before starting the car engine “Oh paano? Tara na ba? Nandito naman na mga gamit mo eh.”
Inayos ni Kirsten ang kaniyang sarili at tumingin kay Ken. “Tara na. Baka gabihin pa tayo nito eh.”
“Kung hindi pa tayo aalis malamang sa malamang kaya alis na tayo.” Ken said as he started driving the car.
Tahimik lang sila pagkatapos nilang napag-usapan ang nangyari sa convenience store pero makalipas ang ilang minuto ay nagtanong si Kirsten kay Ken habang nagmamaneho ito. “Sino pala nagbabantay kay Nanay Lola ngayon? Tapos baka gabihin ka pa pagkatapos mo ako ihatid sa Laguna...”
“Bumisita ’yong pinsan ko sabi niya siya daw muna ’yong magbabantay kay Nanay Lola kasi naka-leave siya sa work niya and sabi ni Lola magpahinga raw muna ako kasi ilang araw ko na raw siya binabantayan kaya nandito ako.” Sabi ni Ken ng hindi tumitingin sa kaniya dahil kailangan niya maging tutok sa pagmamaneho.
Tumango si Kirsten. “Alam mo ikaw, masyado mo akong inaalala.”
“Siyempre best friend kita. Saka may tiwala naman sakin si Tita Nancy eh. She thinks you’re safe with me.”
“Pero plano mo talagang ihatid ako sa Laguna?” Curious niyang tanong.
“Hindi. Pero destiny na gumawa ng paraan para ihatid kita. Alam kasi ng destiny na you’re not okay lalo na ’yong nangyari sa inyo ni Lucas kaya rin siguro bigla nagprisinta ’yong pinsan ko na siya na muna ang magbantay kay Nanay Lola.” Prenteng sagot ni Ken habang tutok sa pagmamaneho.
“Alam mo ikaw ang dami mong alam. Nako. Huwag mo akong sisisihin kung bakit matagal ka nang walang girlfriend ha.”
“It’s my choice not to have a girlfriend for now, Kirsten. Alam mo naman ’yan. Lalo na sa sitwasyon din ni Nanay Lola...”
Tumango si Kirsten. “Sabagay. Dadating din naman ’yong tamang panahon na you’ll meet the right one for you.”
“Exactly.” Ken said and then he nodded. “Hindi naman ako nagmamadali.”
“Pero ikaw pa rin ang kailangan manligaw. Lalaki ka.”
“Alam ko. ’Wag kang mag-alala magugulat ka na lang may girlfriend na ako.”
“Madaya ka.” Kirsten said before she sighed. “Basta ipakilala mo sa ’kin.”
“Oo naman. Ipapakilala ko talaga sa ’yo. You’ll be the first one to know.” Sabi ni Ken bago siya tumingin kay Kirsten. “Wait ka lang.”
Kirsten just smiled and then told Ken that she’ll sleep for a while.