CHAPTER TEN
Year 2018
KIRSTEN HEARD SOMEONE throwing a rock in her windows and it’s bothering her so bad. Nagsusulat kasi siya para sa blog niya and that became her sort of distraction and it’s getting more annoying.
“Hay nako! Gabing-gabi may gumugulo pa rin sa ’kin.” She said and sighed. Tumayo siya sa kaniyang study table at tiningnan kung sino ang hamak na nagbabato ng bato sa kaniyang bintana.
It’s Lucas.
She sighed again.
Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula no’ng nalaman niyang si Lucas ang dahilan ng kaniyang naging frustrations dahil sa pagkabangga nito sa kaniya two years ago.
She just rolled her eyes when she saw Lucas and decided to go back to her work. Naglagay na lang siya ng earphones para hindi niya marinig ang pagbato nito ng bato sa kaniyang bintana.
So then, she write a new article for her blog and it took her one hour before she finished it. And then she took off her earphones and finally heard that it’s raining.
Umuulan na pala. Masyado kasi siyang immersed sa ginagawa niya kaya hindi na niya napansin na umuulan na pala. Also, good thing din dahil natigil din pala ang pagbato ni Lucas ng bato sa kaniyang bintana.
‘Siguro umuwi na yon.’ She thought. But then again, she’s wrong. Nakarinig nanaman si Kirsten ng nag-iingay mula sa labas ng kanilang bahay.
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako kinakausap. Kirsten, please...”
Hindi niya iyon pinansin at pumunta na lamang sa kaniyang kama dahil dinadalaw na rin siya ng antok at hangga’t maaari ayaw na niya munang kausapin si Lucas. Ayaw na niya talaga dahil hindi niya tanggap.
Bakit si Lucas pa? Kung kailan naman mas nagiging malapit na sila sa isa’t isa doon niya pa malalaman na isa pala si Lucas sa naging dahilan ng trauma niya.
She shook her head. Ang dami na naman ng kaniyang iniisip. Mas mabuti pa na matulog na agad siya para hindi na kung ano-ano pa ang kaniyang iniisip.
Sinubukan niyang ipikit ang kaniyang mga mata ngunit nababagabag talaga siya sa mga sigaw na kaniyang naririnig mula sa labas ng kanilang bahay at sabay pa ng mga sigaw na iyon ang pagpatak ng malakas na ulan.
“Kirsten, please naman... kausapin mo na ako. Hindi ko kayang hindi mo ako kinakausap...”
Ramdam niya ang sinseridad sa boses ng binata ngunit may pumipigil sa kaniyang sarili sa pag-entertain sa binata at iyon ay ang nangyari dati.
“Alam ko naririg mo ako, Kirsten. Please, kausapin mo ako. Hear me out.”
Bumuntong hininga ulit siya at bumangon para uminom ng tubig na nasa side table ng kaniyang kama at pagkatapos niyon ay humiga ulit siya. Kailangan na niyang matulog para hindi na siya madistract sa binatang kanina pa siya tinatawag.
“Mapapagod ka rin. Mamaya tiyak na uuwi ka rin.” She said before going to sleep.
IT’S ALREADY one in the morning at naalimpungatan si Kirsten dahil mayroong tumatawag sa kaniya. Napansin niya ring hindi pa rin pala tumitigil ang ulan at tila mas lumakas pa ito kumpara kanina.
She checked her phone to see who it is.
Lucas.
Napakunot-noo naman siya nang mabasa niya ang pangalan ni Lucas.
She sighed before answering the call.
“Y-you answered my call...” ’Yon ang unang sinabi ni Lucas nang sagutin niya ang tawag nito. Wala siyang balak magsalita pero bumangon na siya at nagpasyang tumingin sa bintana ng kaniyang kuwarto. She saw Lucas kneeling at the ground while holding his phone. Basang-basa ito dahil na rin sa lakas ng ulan. “Kirsten...”
“Oh shoot!” She exclaimed before ending the call. Bigla kasing napahiga na lang si Lucas sa labas kaya dali-dali siyang kumuha ng towel sa kaniyang cabinet pagkatapos niyon ay bumaba na siya at lumabas ng kanilang bahay para puntahan si Lucas. Kinuha niya agad ang payong na nasa labas ng kanilang bahay.
Pinayungan niya si Lucas at inalalayan itong tumayo. Hinawakan naman agad ni Lucas ang kaniyang kamay at inilagay na niya ang towel sa likod nito. Habang pinapayungan niya si Lucas ay nakatitig lang ito sa kaniya na para bang nangungusap ang kaniyang mga mata na kausapin siya. Tiningnan din niya si Lucas pero agad siyang umiwas sa titig nito.
“Go home, Lucas.” She said pero nakita niyang umiling ito.
“I will not go home unless you listen to me.”
She just rolled her eyes upon hearing Lucas’ answer. Listen? Eh hindi nga siya nito pinakinggan dati no’ng nasa bingit na siya ng kaniyang kamatayan eh. Tapos ngayon eto pa ang may gana para sabihan siya na makinig siya sa kaniya? Wow.
“Lucas, pinag-usapan na natin ’to ’di ba?”
“Usap? Kirsten, you bursted out your anger without listening what happened on my side. Hindi ’yon ang pag-uusap na kailangan natin. Kirsten, ayusin natin ’to. Ayoko mawala ang pagkakaibigan natin dahil lang sa nangyari two years ago.”
Umiling ng marahan si Kirsten bago ito umismid. “Lang? Wow, Lucas. I almost died two years ago! How dare you say that!”
Napayuko naman si Lucas sa sinabi nito. “I-I don't have much time left, Kirsten. Please listen to me. I-I didn’t mean to offend you...” That’s when she got the time na titigan ulit ang binata. Namumulta na ito at sobrang nanginginig.
She sighed.
Wala siyang nagawa kundi papasukin na si Lucas sa bahay nila. Lalo na’t gano’n ang naging lagay nito. Sobrang nakakaawa ang itsura at hindi na maipinta ang mukha ni Lucas dahil siguro sa halo-halong emosyon na ang nararamdaman nito.
Agad naman pinaupo ni Kirsten si Lucas sa sofa nila at kumuha siya ng extrang damit sa cabinet sa stock room nila. Mayroon talaga silang mga extrang damit just in case na mayroon makitulog sa bahay nila o mga hindi pinaplanong pangyayari gaya ng nangyayari sa oras na ’yon.
“Oh, suotin mo ’yan.” She said at inabot niya kay Lucas ang damit ngunit hindi iyon tinanggap ni Lucas. Nakahiga nga lang ito sa sofa at tila lamig na lamig. “Uy, okay ka lang ba?” She asked pero hindi ito sumagot kaya minabuti niyang sinapo ang leeg at noo nito.
“Ang init mo, Lucas! Bakit ang bilis mong dapuan ng sakit?” She asked pero hindi na niya inantay ang sagot nito at kumuha agad siya ng planggana, towel at nilagyan niya ito ng tubig na may yelo.
Binalikan niya agad si Lucas at gano’n pa rin ang lagay nito para bang hirap na hirap kumilos. Hindi nga rin ito nagpalit ng damit kahit na itinabi na niya ang extrang damit na kinuha niya para sa kaniya.
“Lucas, pupunasan kita, ah. Pero nakakahiya naman kasi kung ako magtatanggal ng damit mo. Uhm, magpalit ka muna ng damit kahit ’yong undergarment mo muna saka shorts. Ayan ’yong damit oh, alalayan na lang kita papunta sa banyo.” She said. Sinubukan naman ni Lucas tumayo kaso nahihirapan ito kaya tinulungan niya ito.
“T-thank you.” ’Yon lamang ang sinabi ni Lucas bago ito pumunta sa loob ng banyo.
SAMPUNG MINUTO na ang nakakalipas at hindi pa rin lumalabas ng banyo si Lucas kaya kinutuban na siya. Hindi rin pala nilock ni Lucas ang pinto kaya binuksan niya agad ang pintuan at nakita niyang nakahiga si Lucas sa sahig. Nakapalit na ito ng damit pang-ibaba niya pero hindi pa sa pang-itaas.
“Lucas!” gulat na gulat siya dahil iyon ang unang beses na nakita niyang gano’n ang kalagayan ni Lucas. Lagi kasi itong hyper at masayahin kapag nakakausap niya ito pero sa puntong iyon... ibang iba ang aura ni Lucas.
Inalalayan niya ulit ang binata. Nag-aalangan pa nga siya dahil wala itong saplot sa pang-itaas niyo ngunit hindi iyon panahon para mahiya siya.
Pinahiga niya agad si Lucas nang makarating sila sa sofa.
“Lucas, pupunasan lang kita ah... medyo malamig nga lang ’to para maabsorb ’yong init sa katawan mo pero dadahan-dahanin ko naman...”
Pinunasan na niya si Lucas at hindi naman ito umalma. Tinitignan lang siya nito pero halatang nahihirapan. Doon lang niya rin napansin na parang pumayat si Lucas.
“Bakit parang ang bilis mo namang pumayat?”
“Ganun siguro talaga...” Sagot ni Lucas. Ngumiti pa ito ng marahan sa kaniya. “Masaya rin pa lang inaalangaan ka. Ganito pala ’yong feeling.”
She just rolled her eyes “’Wag kang kampante diyan. Galit pa rin ako sa ’yo may sakit ka lang kaya inaasikaso kita ngayon.”
“Pero paano kung...”
Kumunot-noo siya.
“Ano?”
“W-wala. Salamat lang, Kirsten.”
Umiling lang si Kirsten at tinapos na agad ang pagpunas dito.
“Oh, magdamit ka na diyan.”
Tatayo na sana si Kirsten kaso pinigilan siya ni Lucas.
“Bakit?”
“Salamat... Salamat kahit na muntikan ka na mamatay dati at galit ka sa ’kin ngayon inalagaan mo pa rin ako.”