Isang malaking pangangampanya ang kasalukuyan na dinadaos sa gitna ng syudad ng Monteverde bilang umpisa ng araw ng pangangampanya para sa nalalapit na eleksyon. Hindi pinayagan ni Pablo Ruiz na gawing headquarters ang hacienda kaya naman ay napilitan sila Evelyn na kunin ang isa mga building na ipinatayo niya noong mayor pa lamang si Raul sa Monteverde. Maingay dahil kabila-kabilaan ang mga malalaking speaker na nagpapatugtog ng jingle ng kanilang partido. Isama pa ang mga tunog ng mga nagsasalita na pulitiko, kasabay pa ng ingay na likha ng sasakyan sa dumadaan, mga tao na naroon na nakasuporta, mga tao na umaasa ng ayuda sa mga nangangampanya, at higit sa lahat ay ang mga tao na bayad na ng partido ni Raul. Kanina nagsimula ang kampanya sa ganap na alas sais ng hapon, alas otso na a

