"Puntahan ko muna si Mama," paalam ni Santi kay Ginger nang makita nito na lumabas na si Ruby sa silid ni Corazon. Tumango si Ginger at binitawan ang kamay ni Santi. Bago ito tuluyang lumayo. Nakatanguan pa si Santi at Ruby pagkatapos ay lumapit na si Ruby kay Ginger at Charlotte na nagmemeryenda ng Cake sa sala. "Mukhang nagkakamabutihan ah?" Tanong ni Ruby kay Ginger na agad na napangiti. "Sinabi mo pa! Hindi lang nagkakamabuti, sila na. Ang bilis nga eh, sinuko agad ang bataan." Asar naman ni Charlotte. Dahil sa kanilang sinabi ay hinampas sila ni Ginger na tila kinikilig. "Ano ba kayo? Siyempre papakipot pa ba ako?, Saka matagal ko naman na-isuko ang bataan ko. Pero nung may nangyari sa amin parang like a virgin na naman ako." Aniya pa pagkatapos ay biglang nagseryoso. "Isang ara

