Pumasok si Santi sa loob ng presinto ng Monteverde kung saan din siya nakadestino. Ayon sa imbestigasyon niya ay ang presintong ito ang humawak sa kaso ni Realyn. Dito na-file ang report at ang mga dating pulis rin ang nag-imbestiga. Sa bungad pa lang ng presinto ay binati siya ng ilan sa mga pulis na kasamahan niya. "Long time no see, Inspector." Bati sa kaniya. Tinanungan niya lang ito pagkatapos ay pumasok sa kaniyang opisina. Hindi nagtagal ay may kumatok sa kaniyang pinto. Bumukas iyon at nakita niya ang Chief ng presinto. "Santi," "Chief." Umupo ito sa harap niya ng may ngiti. "Bumalik ka na, so ibig sabihin ba nito balik na sa dati?" Tanong nito. Binuksan ni Santi ang case files na nasa harapan niya. "May mga naiwan pa kasi akong trabaho, Chief. Kaya opo." "Sus! Hindi iyon."

