"Mama Lulu, ang nangyari kay Mama Judith, maari nating gamitin iyon para buksan ang kaso ng Nanay ko. Kailangan kong malaman kung may nalalaman kang pwede namin gamitin para sa pagpapakulong sa ama ko, sa kung ano ang nangyari noon bago siya napaslang. Hindi ba sinabi mo noon na kaibigan mo rin ang Nanay ko? sila ni Mama Judith. May alam ka ba? nakita noon bago siya pinatay? hindi ba nag-kwento ang Nanay ko sa iyo?" tanong ni Ruby kay Lulu na nasa harapan niya pa rin ngayon. Napabuntong-hininga si Lulu, pagkatapos ay umiling. "Wala, ang totoo niyan hindi ako malapit sa iyong ina, pero magkakasama kami sa club noon pa man. Oo nakikita ko ang mga manliligaw niya, minsan lang din kami nagkakausap tatlo lalo pa at pagdating sa trabaho ay mismutang magkakalaban kami. Sila ni Judith ang malapi

