Bumangon si Evelyn ng alanganing oras. Saglit siyang napatingin kay Raul na natutulog sa kaniyang tabi, pagkatapos ay agad na kinuha ang kaniyang cellphone na nasa side table. Lumabas siya sa terese at agad na tinignan ang isang numero sa kaniyang contacts. At nang makita iyon ay agad niya iyon tinawagan. Hindi sumagot ang taong nais niyang kausapin kaya naman ay muli niyang sinubukan na tawagan ang numero. Ngunit, kagaya lang din sa unang tawag niya ay walang sumasagot sa kabilang linya. "s**t ka naman, Alvarado eh! tangina bakit hindi ka ba matawagan?" inis na bulong pa ni Evelyn habang sinusubukan na tawagan ang dating hitman na naging kanyang kalaguyo. "Tangina talaga!" Mura niya pa pagkatapos ay muling binulsa ang kaniyang cellphone. Napailing siya. Napaisip dahil sa malaking pr

