Sinusubuan ni Nathalie ng pagkain si Fin nang biglang may kumatok sa pintuan, at sunod n'on ay pumasok si Ron na may dalang prutas. Napakunot pa ang noo ni Ron nang makita si Nathalie. Nagtataka kung sino iyon. "Nathalie, iwan mo muna kami." utos ni Fin sa dalaga at tumango ito. "Punta lang ako sa nurse station. Mag-text ka na lang kung may kailangan ka." bilin pa ni Nathalie matapos ay lumabas na siya ng silid. Lumapit si Ron at inilapag ang basket ng prutas sa gilid ng mesa ni Fin. Ang mata nito ay nakatingin sa pintuan kung saan lumabas si Nathalie. Nagtataka ito kung sino ang dalaga. "Sino kasama mo?" tanong ni Fin sa kaniyang pamangkin. Napunta sa kaniya ang tingin nito pagkatapos ay sumagot. "Si Geli, nasa nurse station at ibinigay yung pagkain na niluto ni Ate Ruby." mulin

