Carina's P.O.V. Sumama ako sa kanya dahil naisip kong matutuwa si Lolo kapag nalaman niyang dito ako nagpalipas ng gabi kasama siya. Takot akong malaman ni Lolo General na nag-bar na naman ako ngayon at nakipaglandian. Tinakasan ko ang mga bodyguard ko kanina, at first time kong pumasok sa bar na iyon kasama ang Babe ko. Kaso, hindi ko naman akalain na doon din pala nagba-bar ang hayp na ito. Takot ako kay Lolo General at sa mga magulang ko dahil baka ipa-freeze nila ang black card ko. May sarili naman akong pera, kaso nasa tatlong milyon pa lang, at kulang iyon para sa mga kalokohan ko sa buhay. Kaya umaasa pa rin ako sa black card na binigay ng mga magulang ko. Sila pa rin ang may access sa isang black card ko dahil hindi pa naman ako tapos sa pag-aaral. Walong taon din kasi ang law sc

