Third Person P.O.V. Pasipol-sipol na lumabas si Carina mula sa condo building ni Keith. "Iniwan talaga ako ng kupal na 'yon. Alam naman niyang wala akong kotse," inis niyang bulong sa sarili habang nakapamulsa. "Get in the car!" sigaw ni Keith. "Aba, nandiyan ka pa pala?!" gulat na tanong ni Carina. "Hindi ka ba sasakay? I'm going to leave you behind!" muling sigaw ni Keith. Nagmamadaling lumapit si Carina, saka malakas na binuksan at isinara ang pinto ng kotse. "Buti naman at may natitira pang kabutihan sa puso mo para libre akong makasakay sa kotse mo," nakangiting sabi ni Carina, pero sa loob-loob niya, pinagmumura na niya ang binata dahil inakala niyang iniwan siya nito kanina. "Talaga lang, ha? Dahil kung hindi, magko-commute ka." "I have cash, at cashless na rin ang uso ngay

