Luna’s POV
Kinabukasan, tila mas mabigat ang hangin kaysa sa mga nakaraang araw. Hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa halo-halong emosyon na hindi ko maipaliwanag. kaba, pag-asa, at takot na baka muli akong mabigo.
Maaga akong nagising, bago pa tumunog ang alarm ko. Nakasanayan ko na yata. O baka naman… hindi lang talaga mapakali ang isip ko.
Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa kisame.
Final interview.
Dalawang salita, pero parang ang dami nang nakasalalay.
Dahan-dahan akong bumangon at dumiretso sa banyo. Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, napansin ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko. Hindi dahil mahina ako. kundi dahil mahalaga ito.
“Okay lang kabahan,” bulong ko sa sarili ko. “Ibig sabihin, gusto mo talaga ‘to.”
Paglabas ko, nakahain na ang almusal. Nandoon si Mama, tahimik na umiinom ng kape habang nakatanaw sa bintana.
“Ang aga mo,” bati niya nang mapansin ako.
“Hindi na ako makatulog,” sagot ko, pilit na ngumiti.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Normal lang ‘yan. Pero tandaan mo, hindi ka na yung dati. Mas kaya mo na ngayon.”
Tumango ako. “Oo, Ma. Alam ko.”
Pero kahit alam ko… iba pa rin kapag nararamdaman mo na.
Matapos kumain, nagsimula na akong maghanda. Mas pinag-isipan ko ang susuotin ko ngayon. Isang light blue blouse at navy skirt. Simple, pero professional. Hindi ko kailangang magpanggap. Gusto kong makita nila kung sino talaga ako.
Habang nag-aayos ako ng buhok, may kumatok sa pinto.
“Pasok,” sabi ko.
Si Carla ang sumilip, may hawak na dalawang paper cup ng kape.
“Oy, future employee,” biro niya habang inaabot ang isa sa akin. “Para hindi ka antukin sa interview mo.”
Napangiti ako. “Salamat. Kailangan ko ‘to.”
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. “Hmm… ayos. Mukhang hindi ka na mukhang heartbroken. Mukha ka nang… dangerous.”
Napatawa ako. “Dangerous agad? ”
“Oo. Yung tipong hindi na basta-basta masasaktan.”
Napahinto ako saglit.
“Siguro,” sagot ko. “O baka… natuto lang akong protektahan ang sarili ko.”
Tumango siya. “Mas okay ‘yon.”
Habang nasa biyahe ako papunta sa kumpanya, tahimik lang ako. Nakatanaw sa labas ng bintana ng jeep, pinapanood ang mga taong abala sa kani-kanilang buhay.
May mga estudyante, may mga manggagawa, may mga taong parang sanay na sa takbo ng araw-araw.
At ako?
Nasa gitna pa rin ng pagbuo ng sarili ko.
Pagdating ko sa building, agad kong naramdaman ang lamig ng aircon sa lobby. Pero mas malamig ang pakiramdam sa loob ko.
Huminga ako nang malalim bago lumapit sa receptionist.
“Good morning. I’m here for the final interview.”
Ngumiti siya. “Please have a seat. Tatawagin ka na lang po.”
Umupo ako at hinawakan ang folder ko. Mahigpit. Parang doon ko ibinubuhos ang lahat ng kaba ko.
Ilang minuto ang lumipas bago ko marinig ang pangalan ko.
“Miss Luna? ”
Tumayo ako.
Ito na.
Sa loob ng interview room, iisa lang ang interviewer. Isang babae, mukhang nasa late thirties, maayos ang postura at matalim ang tingin. pero hindi nakakatakot.
“Good morning,” bati niya.
“Good morning po,” sagot ko.
“Please, sit.”
Umupo ako, pilit pinapakalma ang sarili ko.
Sinimulan niya agad ang interview.
“Your resume is impressive,” sabi niya. “But I want to know why you left your previous plans abroad. ”
Saglit akong napaisip.
Ito na naman yung tanong na may kasamang alaala.
Pero hindi na ako natatakot.
“I realized po that sometimes, not all plans are meant to stay,” sagot ko. “May mga bagay na kailangan mong bitawan para mahanap kung saan ka talaga nararapat.”
Tinitigan niya ako. Parang sinusukat kung gaano ako katotoo.
“And what makes you think this is where you belong? ”
Napangiti ako ng bahagya.
“Because I chose this,” sagot ko. “Hindi ito escape. Hindi ito fallback. Ito po yung bagong simula na pinili ko.”
Tahimik siya sandali.
Then she nodded.
“Last question,” sabi niya. “What makes you different from other applicants? ”
Huminga ako nang malalim.
Hindi ko kailangan maging perpekto.
Kailangan ko lang maging totoo.
“I’ve failed,” sabi ko. “I’ve been hurt. I’ve doubted myself. But I didn’t stop. I learned how to rebuild myself from nothing. And I think… that kind of strength is something I can bring into this job.”
Tahimik ang buong kwarto.
At sa unang pagkakataon, hindi ako natakot sa katahimikan.
Dahil alam kong wala akong tinago.
Paglabas ko ng building, parang mas magaan ang pakiramdam ko.
Hindi dahil sigurado na akong matatanggap ako.
Kundi dahil ginawa ko ang lahat.
At sapat na ‘yon.
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan, biglang may tumawag sa akin.
“Luna!”
Paglingon ko, si Carla.
“Grabe ka! Hindi mo man lang ako hinintay! ”Reklamo niya,"
Napangiti ako. “Akala ko may pasok ka? ”
“Late ako,” sagot niya. “Mas importante ‘to.”
Naglakad kami sabay.
“O, kamusta? ”tanong niya.
Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko alam kung pasado ako… pero hindi ako nagsisi sa mga sagot ko.”
Ngumiti siya. “Ayun naman pala. Yun ang mahalaga.”
Lumipas ang ilang araw.
Walang tawag.
Walang email.
At doon na nagsimula ang pagdududa.
“Baka hindi ako pumasa,” bulong ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama.
“Baka hindi pa sapat.”
Pero agad kong pinigilan ang sarili ko.
Hindi na ako babalik sa ganitong pag-iisip.
Hindi na ako yung Luna na sinusukat ang sarili base sa desisyon ng iba.
Isang hapon, habang nag-aayos ako ng mga damit, tumunog ang phone ko.
Unknown number.
Napahinto ako.
Kinabahan.
Pero sinagot ko pa rin.
“Hello?”
“Good afternoon, Miss Luna. This is from HR.”
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
“We’re pleased to inform you…”
Napapikit ako.
“…that you got the position.”
Parang tumigil ang mundo ko sandali.
“Talaga po? ”Halos pabulong kong tanong.
“Yes. We’d like you to start next week.”
Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki.
“Thank you po. Maraming salamat.”
Pagkababa ko ng tawag, napasigaw ako.
“MAAAA!”
Agad siyang lumabas ng kusina. “Ano ‘yon?! ”
“May trabaho na ako! ”
Napaluha siya habang niyayakap ako. “Alam ko… alam ko kaya mo ‘yan.”
Unang araw ko sa trabaho.
Maaga akong dumating. Halos wala pang tao sa opisina.
Tahimik.
Bago.
At puno ng posibilidad.
Umupo ako sa desk na ibinigay sa akin. Hinaplos ko ang ibabaw nito, parang sinisigurado na totoo ito.
Hindi ito panaginip.
Ito na ang bagong simula ko.
Maya-maya, nagsimula nang dumating ang mga katrabaho ko. Isa-isa nila akong binati. May mga ngiti, may mga simpleng usapan.
Hindi sila agad naging malapit.
Pero hindi na rin ako nag-iisa.
Habang nagsisimula akong magtrabaho, napansin ko ang sarili ko.
Focused.
Calm.
Present.
Wala na yung bigat ng nakaraan.
Hindi man tuluyang nawawala.
Pero hindi na siya ang kumokontrol sa akin.
Bandang hapon, habang nakaupo ako sa desk ko, napangiti ako nang hindi ko namamalayan.
Hindi dahil perpekto ang araw ko.
May mga mali, may mga adjustments, may mga bagay na kailangan ko pang matutunan.
Pero…
Masaya ako.
Simple.
Totoo.
At sa wakas.
Sa wakas, nararamdaman ko na hindi na ako tumatakbo palayo sa nakaraan.
Kundi papunta na ako sa sarili kong hinaharap.
At sa pagkakataong ito…
Hindi na ako matatakot magsimula ulit.