The Deal
Breaking News. We broke up. - send
Di na bago 'yan, friend. - Izza
I closed my messenger and dialed my bff's number para ituloy ang kuwento ng taon. "Totoo. This time, it's for real," bungad ko nang may buntong-hininga.
"How real, aber?" dudang tanong ni Izza.
"As real as he said, 'Fine. Let's do it.' " Naghintay ako sa ire-react niya. I knew she was digesting it already dahil sa katahimikan.
"Pumayag siya? Okay. Let's meet!" Sa tono pa lang niya ay nakahanap na ako ng matibay na sasandalan.
"Talagang magme-meet tayo. Um-oo na ako kay Lyz, sisilipin ko ang resort niya sa Pangasinan. Gusto kong makita ang mga pamilyar na lugar doon sa atin. I needed this. See you in two hours." Pinatay ko ang linya at nilingon ang aking iniimpakeng gamit.
Maghihiwalay na kami ni Nelson. Ang twelve-year live-in partner ko. This time, totoo na.
Naalala ko ang huling usap namin kagabi sa bathtub. I even thought the ambience was romantic. We spoke casually and relaxed. How did we end up breaking up?
He said I'm actually sixty percent evil. At tumatawa siya no'n. I could have said the same thing at nakitawa. But I couldn't swallow it. It's just too painful.
"Mommy... "
Lumingon ako sa ten-year-old kong anak at nahinto sa malalim na pagbabalik-tanaw. Sinalubong ko ito nang yakap.
"Can't I really go with you?" tanong nito.
Sinuklay ko ng daliri ko ang malambot na buhok nito at tiningnan ang maamo nitong mukha. Kahawig na kahawig siya ng kaniyang ama. Nakaramdam ako ng lungkot pero pinigilan ko ito.
I'm fine. Definitely just fine. Ako pa!
"Eh, work naman ang gagawin ko doon. I can't watch over you so you're not going to enjoy it pa rin. Unlike kina lola at Jano, mag-e-enjoy kayong magpinsan. Beach din naman 'yon," paliwanag ko sa bata.
"Si Papa rin may work?"
Hindi ko alam. Wala akong pakialam.
"Yes, anak. Alam mo namang busy siya lagi. Just enjoy your vacation, okay?" pang-aalo ko.
"Okay. "
****
"Oh, nariyan na kayo? Don't forget, Lyn, act as customers only. Pero i-report niyo lahat ng makikita niyong kakaiba, ha? Teka... Are you sure okay ka lang to do this?" nag-aalalang tanong ni Lyz sa akin. Kumunot ang bumbaying mukha nito sa video call na ginagawa namin kanina pa habang biyahe.
"Opo. Mas kailangan ko ito ngayon," sang-ayon ko.
"Oo, bruh, huwag kang mag-alala. Kami nang bahala," singit ni Izza.
"I'm sure magkakabati pa kayo ni Nelson. Kayo pa ba?" suporta ni Lyz.
Dumiretso kami sa resort. Gustuhin ko mang umikot agad sa bario namin, hindi ko magagawa. Nakapaligid din kasi ang kamag-anak ni Nelson dito. Taga-kabilang bario lang kasi sila.
"Good morning ma'am! Welcome to Destiny Resort. Dito, may forever ka!" Sumalubong ang mga crew sa amin, bungad ang linyang iyon.
"Fire them," bulong ko kay Izza.
Napangiti si Izza habang pilit kong itinatago ang pait sa mukha ko.
Namili kami ng kuwartong kita ang dagat saka bumaba para magmatyag. Nasa mini bar kami nag-stay.
"So you mean, for a week, malaya kayo as in single and ready to mingle?" ulit ni Izza.
"Yeah. We actually took it maturely. I cried after ng usapan na iyon. Pero hindi ko na ipinakita pa sa kaniya. Basta after a week, mag-uusap ulit kami and decide. Really decide if we want to continue our relationship," nade-drain kong kuwento.
"That's quite exciting," masiglang komento ni Izza.
"Naisip mo ba ang inaanak mo?" Hindi ako makapaniwala sa ini-react nito.
"Naisip mo sana ang inaanak ko bago kayo nag-decide ng ganiyan, no," balik niya sa akin.
"Kaya ko nga ginawa ito. Gab doesn't deserve to be in a fake family. Para saan pa na magkasama kami kung hindi naman talaga kami buo." Inubos ko ang baso ng mojito sa sama ng loob. "Isa pa, we're not married."
"You always lay down the final decision pagdating sa inyong dalawa. Now na pumatol siya, let's do it. The deal. Mingle. Explore," hamon ni Izza.
"Izza, how could you-" Natigil ang sasabihin ko nang may mamataang pamilyar na hugis sa 'di kalayuan. Si Nelson. Sinundan iyon ng tingin ni Izza.
"O.M.G..." bulong nito sa akin.
Aalis na sana ako para makaiwas pero napahinto na rin si Nelson na papasok sa bar at halatang nagulat sa pagkakakita sa akin. Lumipat ang tingin ko sa kasama niya. Si Joan. Ang ex-girlfriend niya noong highschool.
"Izza, let's go." Tumayo ako para makaiwas nang tawagin ni Joan ang pangalan ko.
"Lyn Flores? Oh, my gosh! You look... well-cared," wika nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Same to you, Izza Chu. Magkaibigan pa rin kayo," nakangiti nitong sabi.
Wala naman sanang masama sa sinabi nito, kung hindi lang sinamahan ng sarkastiko niyang mukha.
"Hello, Joan. You're still the same...you, too," sagot ni Izza. "And of course, magkaibigan pa rin kami ni Lyn. Kaunti na lang ngayon ang autentic sa mundo," laban niya.
"What are you doing here?" Lumingon ako kay Nelson nang magtanong ito. I assume he was asking me.
"Why not?" Pinigil kong may lumabas na kung ano sa tono ko. Looking at them both; Nelson, wearing a soaking pair of shorts and Joan with her hot yellow two-piece swim suit, mukhang nasa kasarapan na si Nelson ng deal namin.
"Joan and I are just-"
"It's alright," harang ni Izza sa tila ipapaliwanag ni Nelson. "We're here to take some time, too."
Sa tingin pa lang ni Izza, alam kong sinasalo na niya ako.
"Lyn? It's you!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Vinz sa eksena. Ang dati naming highschool classmate.
"Vinz! Hey, good thing you're here na. Kanina pa kami naghihintay ni Lyn dito. Shall we go?" muling sabat ni Izza.
Wala na akong nagawa nang hatakin ako nito at si Vinz na naguguluhan.
"Wait- How about Gabe, who's..." Humarang si Nelson na nagpahinto sa akin. May sumbat sa mata nito.
"He's well taken cared of. As usual," sagot ko nang nakataas ang isang kilay. 'Yun lang at iniwan ko na ang nakakairitang eksena.
*****
"Ang kapal ng mukha niya para tingnan ako ng gano'n! Parang ako pa ang may ginagawang kasalanan, ah," himutok ko. "Siya nga, lumayas nang di inaalam paano ang anak niya. Bwisit!"
"You said, nagkaintindihan na kayo. Na you'll take it maturely. Bakit nagkakaganiyan ka?" Nakakunot ang noo ni Izza.
Huminga ako nang malalim. Though hindi 'yun kadali, posible ang usapan namin.
"Fine. Okay. I'll do it maturely. Pero gano'n ba 'yun kadali?" Gusto kong bumigay at maiyak sa inis.
"Kaya mo 'yan, bess. Ibalik mo 'yung dating ikaw. 'Yung game. 'Yung hindi iiyak dahil lang sa lalaki."
Dating ako. Ang laki na nga pala ng ipinagbago ko. Mula sa pagiging game at liberated na babae, pikunin at mapagpatol sa bawat pagtatalo, naging mahaba ang pasensiya ko lalo na nang lumabas ang anak naming si Gabriel.
And yet he said I'm actually sixty percent evil! How could he?!
Inilibot ko ang paningin ko sa papalubog na araw. Para itong magtatago sa malalim na karagatan para pagbigyan ang ganda ng gabi. Dapat ko ba 'yon ihalintulad sa akin? Dapat bang itago ko na muna ang anumang ipinagbago ko ngayon at ilabas ang dating ako para may mapatunayan sa buong linggong ito?
Napainom ako ng beer na hawak ko. Nilingon ko ang bonfire na sinindihan para sa party. Napag-alaman namin na nasa iisang kompaniya si Joan at Vinz na nagkataong may team building ngayon dito sa resort.
Tumayo ako at inalis ang pagkakabuhol ng aking beach robe. Hinayaan kong lumitaw ang suot kong bathing suit.
"Well-cared ba kamo?" wika ni Izza na naglalabas na rin ng katawan.
Oo, medyo naging chubby ako. Pero hindi iyon sapat na dahilan para ikahiya ko ang aking katawan. I still have the curve. Nakasanayan ko na lang na itago ito dahil conservative si Nelson.
Natatawa akong nagpatiunang lumakad patungo sa dagat na malapit sa bonfire. Nagsisimula na ang party. Invited kami ni Vinz na Marketing Manager ng kompaniya nila.
"I wonder kung paano sila nagkita ni Joan. You think dati na silang may communication?" tanong ni Izza.
Muli kong nakita si Nelson na makahiga sa isang beach bed. Kausap pa rin si Joan. I even heard him chuckle. I wonder kung anong sinabi niya kay Joan about us.
Tumugtog ang musika sa paligid. Pinilit kong huwag pansinin ang presensiya ni Nelson. Kung ready siyang maki-mingle, so am I. Hindi ba't iyon ang deal namin?
"Lyn..." NIlingon ko ang papalapit na si Vhinz. Nag-abot ito ng beer sa akin habang bahagyang sumasayaw sa saliw ng tugtog. Nakisabay ako. "You still look the same," bulong niya.
"I'll take that as a compliment," ngiti ko.
Lumapit ito nang bahagya sa akin and though it's not that close, my instinct made me step back. That's the time na nakita ko si Nelson na papalapit sa amin kasama si Joan. Nagulat ako nang bigla akong itulak ni Izza kaya nasubsob ako kay Vhinz.
"Hey... Okay ka lang?" tanong nito.
"Y-yeah." Gusto kong taliman ng tingin si Izza.
"Na-miss magpakalasing?" Umirap ang mata ko sa parinig na 'yun ni Nelson.
"Ang saya naman, nagkita-kita tayo rito. Just like old times," wika ni Joan na kumapit sa braso ni Nelson. Buong pigil kong kintontrol ang kilay ko. "Let's dance. I know you miss it," sabi nito sa katabi.
"Sumasayaw ka pala?" di ko napigilang mangbara nang may pang-iinsulto. Hindi naman kasi ito marunong sumayaw.
"Well, he dances on private places." Malanding bumungisngis si Joan. Hindi ko naiwasang itarak ang matalim kong tingin kay Nelson na tila napalunok.
"Well, Lyn dances well. I remember we won that ballroom competition," masiglang pagpapaalala ni Vhinz sa nakaraan.
"Well, you know Lyn. Sikat sa campus without effort," sundot ni Izza.
Nagulat ako nang bigla akong iikot ni Vhinz like reenacting our steps, decades ago. Napahagikgik ako nang wala sa oras. Pinatulan ko ito at nakisayaw ng tango saka ko sinulyapan ang aking asawa na nagyakag nang lumayo sa amin.
This is going to be a long week.
********************
"Thank you, pinaunlakan mo akong dumalaw dito."
Ngumiti ako kay Vhinz. Nasa eskuwelahan kami ngayon at naglilibot dahil sa paanyaya niya. Ilang araw na rin naman kaming nasa resort kaya naisipan namin ni Izza na lumabas doon. Isa pa, gusto kong silipin ang yumao kong ama na malapit dito nakahimlay.
Paglabas namin ng school patungong sementeryo, hindi namin inaasahang masalubong ang tiyahin at pinsan ni Nelson. Taga-rito rin kasi ang ilan niyang kamag-anak. Hindi agad ako nakapagsalita. Tiningnan lang din naman nila ako at nilampasan.
Nagkatinginan kami ni Izza. Alam nito ang kuwento nang hindi pagkakagusto ng angkan ni Nelson sa akin. Para sa kanila, ako ang sumira ng magandang kinabukasan ni Nelson at dahilan ng maagang pagkamatay ng tatay niya.
Gabi na nang matapos kong madalaw ang tatay ko. Inihatid kami ni Vhinz sa lounge bago bumalik sa kuwarto niya. Paakyat pa lang kami sa kuwarto namin ni Izza nang harangin ako ni Nelson.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko.
Imbes na sumagot ay hinatak ako nito palabas ng hotel at papunta ng tabing dagat kung saan walang tao.
"How could you! Ang kapal naman ng mukha mo!" paunang salita ni Nelson.
"Excuse me?" gulat na gulat kong sabi.
"Tuwang-tuwa ka ba na hiwalay tayo ngayon at malaya ka para ipangalandakan sa bayan ang bago mong lalaki?" sagot nito.
Hindi ako makasagot. Ni hindi ko alam kung anong pinagsasasabi niya.
"Ano? Sasabihin mo na naman na wala kang alam? Wala kang ginawang masama? Excited ka talagang samantalahin ang kalandian mo!" duro nito sa akin.
Isang malutong sa sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya. Hindi ko namalayang umagos na ang luha sa mata ko.
"Ako pa talaga, ha? Ikaw 'tong walang ginawa kung hindi bumuntot kay Joan, ako pa ang sasabihan mo ng ganiyan? Mas makapal ng mukha mo!" gigil na gigil kong sabi.
"Nagde-deny ka ba? Nakita ka ng ka-pamilya ko!"
Napahinga ako nang malalim. Hindi nakapagtataka.
"Kahit naman siguro driver ng trike na sasakyan ko, pag-iisipan ng angkan mo, masiraan lang ako!" sumbat ko.
"They're not like that!"
"Oh, yes, they are!"
Pareho kaming hinihingal sa galit bago ako nakapagsalita ulit.
"This is why you're calling me sixty percent evil, right? Dahil sa pamilya mo? Pero hindi mo makita ang hindi nila pagtanggap sa akin,"sumbat ko.
"Jesus... hanggang ngayon hindi mo pa rin maintindihan na frustration lang nila 'yun. Lagi na lang masama ang tingin mo sa kanila!" pagtatanggol ni Nelson. "It's your bossy attitude na akala mo desisyon mo lang ang tama. Na dapat iyon ang sundin! 'Yun ang problema mo dahil may utak din ako!" sumbat niya pabalik.
"Really? Kaya ba sa tagal ng pagsasama natin, hindi na ulit lumabas sa bibig mo ang pakasalan ako?" Hindi ko napigil ang mapaiyak. "At ni minsan hindi ko in-insist sa 'yo na ako ang dapat pakinggan sa ating dlawa. It just so happen na walang lumabas dyan sa bibig mo kung di 'Ikaw na ang bahala. Kung ano'ng gusto mo.' Tapos ako sisisihin mo?"
"You said wedding is useless," balik sumbat sa akin ni Nelson.
"And it's true. Dahil kahit kailan, hindi tayo bibigyan ng blessing ng pamilya mo," muli kong sumbat. Bumuhos ang lahat ng hinanakit ko sa pagluha.
"I thought you're just being practical. I could have fought for it... " paliwanag niya sa akin na tila naguguluhan.
"You could have, Nelson... But you didn't," mariin kong sabi.
"Lyn, you know how much I love you. But this issue is just too much. Pamilya ko sila."
"Tama ka. Pamilya mo sila at hindi kami ni Gabe, right? Kaya nga dito ka tumakbo. You never grew up to build your own family. Tama lang na nagyari ito." Tumalikod ako. Wala nang dapat pang pag-usapan.
Tinawag ako ni Nelson pero hindi ko na siya nilingon pa. Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Tama lang na ginawa namin ang deal na ito.
**************
Kinabukasan, niyaya ko nang umuwi si Izza.
"Bess, are you sure? Sayang naman ang dagat. Di pa 'ko sawa," reklamo nito.
Ibinaba ko ang shades sa mata ko at ipinakita ang maga kong mata para ipaalala sa kaniya kung bakit kahit five days pa lang ay aalis na kami.
"Fine. Naiintndihan naman kita. Puro naman kasi trabaho ginawa natin dito," reklamo niya sa madalas kong pagkukulong sa loob ng hotel imbes magbabad sa labas. Iniwasan ko rin kasing makita maya't maya si Nelson.
"Hindi na ko makakatagal makita pa si Nelson dito." Muling naghilam ang mga mata ko.
"Okay, okay! Mag-lunch lang tayo, then we'll go. Mamaya na tayo mag-impake," yaya ni Izza.
Nag-ayos akong ng sarili bago ako bumaba. Pagdating sa may hagdan ay may sumabay sa akin na ikinagulat ko kung sino. Si Joan.
"Hi. I just want to tell you this. Gusto ko pa rin si Nelson," malinaw na sabi nito.
"Bakit sa 'kin mo sinasabi 'yan at di sa kaniya?" naiirita kong sabi.
Nakakainis na ngisi ang ibinato nito sa akin.
"Dahil gusto kong ituloy mo ang deal ninyo. Since ikaw ang may pakana, panindigan mo. Iwan mo na si Nelson," diretsong sabi nito.
Nag-init nang husto ang mukha ko. Hindi dahil sa kamalditahan ng babaeng ito kung di sa pagsiwalat ni Nelson ng usapan namin.
"Wala akong pakialam sa inyong dalawa. At wala kang karapatang utusan ako," patol ko sa kaniya. "Wala kang kinalaman sa deal namin, at hindi ka magiging rason sa huling desisyon ko."
Nakipag-unahan sa pagbaba si Joan bago ako nilingon at nagsabing, "Watch me get my man back."
Sinundan ko ng tingin ang impakta. Nagtungo ito sa resto na pupuntahan ko. Doon ko nakitang nakaupo si Izza and across the table, si Nelson. Tuloy-tuloy na lumapit si Joan sa lalaking tumayo. Nagtama ang paningin namin bago pa natakpan ni Joan ang mukha niya.
"Oh, my God," usal ni Izza.
Walang pag-aalinlangang dinakma ni Joan ang mukha ni Nelson at hinalikan ito.
Tila tumatakbong kabayo na nag-unahan sa pagkabog ang dibdib ko. Hindi ko alam ang mararamdman o gagawin.
"Joan!" sita ni Nelson nang ilayo ito. "L-lyn... " tawag niya sa akin.
Diretso akong lumapit kay Izza para hatakin na ito nang harangin ako ni Nelson.
"Leave me alone, " matigas kong sabi.
"Lyn, listen to me. Last night-"
"Tapos na tayo."
"Listen to me first. I've been meaning to tell you-"
"Just stop. You don't need to tell me anything. Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng arangement sa bata. After ten years!" Tumalikod na ako at lumayo.
Sumunod si Nelson kaya binilisan ko ang paglakad.
"You can't do that to me and to my son!" harang niya.
"And you can't do this because he's my son, too," paninindigan ko.
"We had a deal, " paalala niya.
"Oh, yes we did. And I'm deciding now. For me. For Gabe." Desididong tingin ang ibinigay ko sa kaniya.
"Mommy?"
Napahinto kami pareho ni Nelson sa namataang bata sa harapan namin. Nagtataka ngunit nakangiti ang bata.
"Gabe, what are you doing here?" Pilit kong inayos ang ngiti ko para sa bata.
"Lola said we could go here. I miss you already. This so beautiful. Daddy, can we make sand castles?" masayang bungad nito.
Nagkatinginan kami ni Nelson.
"Of course, Gabe. Sorry naiwan ka namin ni mommy." Lumapit ito sa bata at yumakap.
"Daddy, let's visit lola Terry," aya ng bata sa ama niya. Nanay iyon ni Nelson.
Tumingin si Nelson sa akin kaya tumingin ako palayo.
"Of course, anak. Lola will be very happy," sabay tingin ni Nelson sa akin.
"Sige, Gabe. Pero kayo lang ni Daddy. May pupuntahan kami ni Lola Bi mo," alibi ko sa bata. As usual, hindi ako kasama kaya nag-alibi ako.
"No. You come with us first." Nagulat ako sa sinabing iyon ni Nelson. "Kung may pupuntahan kayo ni Nanay Bi, sasama kami ni Gabe , after," wika pa nito.
*******
Dahil kasama ang nanay ko, wala akong nagawa kung di pumayag.
"I'm not sure why we're here. Pero pakibilisan na lang," matigas kong pakiusap habang nasa hapag-kainan kami sa bahay ng pamilya ni Nelson.
Kinuha ni Nelson ang kamay ko at pilit ko 'yun binitiwan. Sa awa ng Diyos ay tahimik sa mga parinig ang buong angkan niya. Marahil dahil kasama ko ang aking ina na walang kaalam-alam sa tunay na dahilan kung bakit hindi kami nagpapakasal ni Nelson. Nasa panghimagas na kami nang magsalita ito at kunin ang atensiyon ng lahat.
"Mom, we're here to tell you something," bungad nito.
Lahat ng mata ay napako sa kaniya. Maging ang akin na sinalubong nito.
"Alam kong hindi dapat ganito ang process nito but... I wanted to grab this opportunity," patuloy niya. "Lyn and I are getting married."
Bumilog ang mata ko sa kabiglaan. Ganitong- ganito ang eksena noon, twelve years ago. Mabilis akong lumingon sa nanay niya. Ganitong moment kasi biglang bumagsak ang tatay niya at inatake sa puso. Napalunok ako nang hawakan ng kaniyang ina ang dibdib niya.
I can't see this. I can't hear what they have to say.
"Excuse me," mabilis kong paalam.
Agad akong tumakbo palabas ng veranda para huminga. Nakarinig ako ng mga yabag kaya alam kong sumunod si Nelson.
"How could you!" salubong ko sa kaniya.
"What? Isn't this what you want? I'm doing it." Lumapit si Nelson at hinawakan ako. Agad kong inalis 'yun.
"Okay ka lang? Paano kung atakehin naman ngayon ay ang nanay mo?" paalala ko.
"She won't. Malakas pa 'yun sa kabayo." Ngumiti siya nng bahagya.
"Nakakatawa 'yun?" sarcastic kong tanong. "Paano kung humindi sila at isumbat ang nagyari sa tatay mo? Nelson, huwag mo naman akong ipahiya sa harap ng anak at nanay ko," paalala ko sa kaniya.
Sumeryoso si Nelson bago tila nag-isip.
Oh, my God. Ito na nga ba ang sinasabi ko...
Ni hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ba ako na baka bawiin niya 'yon at isiping tama ang sinasabi ko?
"You're right. I'm sorry, hindi ko 'yun naisip. Halika na sa loob," yaya nito sa akin bago nagpatiuna ng lakad.
"Hindi mo man lang talaga ipaglalaban?" Natakpan ko ang bibig ko nang di ko napigilang sabihin 'yun.
"I guess I need to tell them the truth about our deal." Napangiti si Nelson bago pumasok ulit sa loob.
Deal?! Naguguluhan akong sumunod. Bakit niya sasabihin yun? Ano bang nasa isip ng ugok na 'to? Bahala na. Sasapakin ko na lang siya sa harap nila para makaganti man lang.
Naabutan kong nakatayo si Nelson sa harap nilang lahat. Hindi ko tuloy alam kung lalayasan ko siya o uupo. Napili ko ang huli. Lumampas ako sa kaniya pero bago ako makaupo sa puwesto ay pinigilan niya ako.
"Mom, Nay, last week, Lyn and I had a deal..." Nandilat ang mata ko sa kaniya. Baliw na siya talaga! "We got separated, supposed to be a week, and it's our fifth day. Binigyan niya ako ng choice maging malaya at makapili ng gusto kong tahakin. Alam kong tingin ninyo ay nagkamali ako ng pinili, twelve years ago. Totoo 'yun..."
Muli ko siyang tinapunan ng tingin matapos niyang sabihin 'yun. Ang sakit, ah! Gusto ko na siyang tapakan pero nauna akong akbayan nito.
"Sana'y ipinagpatuloy ko ang pagsampa sa barko. Sana ay angat na ako sa buhay. Sana... Natulungan ko kayo, ma, at sana di nawala si Daddy," patuloy niya.
"Hoy, Nelson-.. " Balak ko na sana siyang barahin pero pinigilan ako nito.
"Pero sumampa man ako o hindi, si Lyn pa rin at si Gabe ang pipiliin ko. I just chose to stay at hindi ko pinagsisisihan 'yun."
Walang nakaimik sa mga oras na iyon kung di ang aking anak.
"Kailan po ang wedding?"
**********
"I'm sorry..." wika ko.
"I'm sorry, too. Nang mamatay si Daddy, it broke my heart. Ginawa kong parusa para sa akin iyon kaya isinantabi ko ang kasal. I was guilty. And I thought wala ring kuwenta sa 'yo kung makasal tayo o hindi. I was so focused sa nangyari kaya I thought of you as 60/40. Na okay lang pala sa 'yo ang hindi makasal tapos namatay pa si Daddy. I'm really sorry."
Humiga ako sa buhangin. Not minding kung mabasa at abutin ako ng tubig. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa langit. Andito pa rin kami sa resort dahil ayaw pa umalis ni Gabe.
"Masyado lang din akong na-guilty. Feeling ko lahat ng ginagawa ko is para maging deserving dahil sa kinamatay ng daddy mo. Kaya hindi ko kinaya ang salitang 'yun, matapos ang lahat ng effort ko," paliwanag ko. Natakpan ng mukha ni Nelson ang langit na tinititigan ko.
"Let's make a deal," wika nito.
"Deal? Na naman?" sabi ko.
"Dapat after nitong honeymoon natin, may baby sister na si Gabe," sabi nito sabay halik sa aking labi.
Sinalubong ko iyon nang matamis at buong pananabik.
"Tara na sa taas?"
Wakas.