CATHERINE'S POV "AKALA ko po, galit pa rin po kayo sa'kin, Lola," naglalambing na saad ko nang kausapin ko uli si Lola tungkol sa amin ni Romnick. "Hindi ako galit, Catherine. Nagtatampo, oo. Kasi hindi mo agad sinabi sa akin na nobyo mo na pala ng professor mong iyon. Kahit sinabi ko naman sa'yo noon na okay lang sa akin kahit isang kagaya niya na mas matanda sa'yo ang magustuhan mo." "Sorry po talaga, Lola. Sorry po." Paulit-ulit ko siyang niyakap at pinapak ng halik. "Huwag na po kayong magtampo sa'kin, please? Tatapusin ko pa rin naman po ang pag-aaral ko, eh." "Hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit nagtatampo ako sa'yo, eh. Nagtatampo ako kasi tayong dalawa na nga lang ang magkasama palagi pero pinaglihiman mo pa rin ako." Napahikbi si Lola. "Pasalamat ka talagang bata ka at m

