CATHERINE'S POV "TAY, sorry po. Hindi ko po sinasadya na maglihim sa inyo. Natakot lang talaga ako no'n na baka hindi n'yo matanggap si Romnick at ilayo n'yo ako sa kaniya," hingi ko ng pasensiya kay Tatay Tristan pag-uwi namin sa Pinas ni Romnick at inamin na namin sa aking ama at kay Lola ang tunay naming relasyon. Isang buwan pa kaming nanatili sa Canada bago kami nakabalik dito. Tuluyan nang nakulong si Lord Dimitri at mga kasamahan niya. Gano'n di si Randolph na hanggang ngayon ay nakipagmatigasan pa rin kay Romnick. Gayon man ay palagi pa rin namin siyang dinadalaw. Tama nga ang himala ko noon na matagal nang may kutob sina lola at Tatay Tristan sa tunay na namamagitan sa amin ng dating professor ko. Pero hinihintay lang daw nila na ako mismo ang magsabi sa kanila. Hindin naman s

