CATHERINE'S POV "SABI ko naman kasi sa'yo na delayed lang talaga ako, eh. False alarm lang," sabi ko kay Romnick pagkalabas namin ng clinic. Nagpa-check up ako para masiguro namin kung buntis ba talaga ako o hindi. At negative nga ang resulta. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami papunta sa parking lot. "It's okay. Ang importante, nalaman natin ang totoong kalagayan mo." Tiningala ko nga siya. "Hindi ka disappointed?" "At bakit naman ako madi-disappoint?" Ngumiti siya sa akin, sabay pisil sa tungki ng ilong ko. "Ang sabi nga, ang anak ay dumadating sa tamang panahon. Siguro, hindi pa ito ang tamang panahon para maging magulang tayo. Baka nakita ng Diyos na hindi pa ako handa maging ama. Baka kailangan na makita Niya muna na talagang nagbago na ako." "Hindi naman siguro. Pero t

