CATHERINE'S POV NAGULAT si Lola nang dumating ako sa bahay na kasama ko si Prof. Garcia. But I'm sure na hindi naman siya galit. "Magandang gabi po, Lola." Magalang naman na nagmano pa sa kaniya ang professor ko. "Pasensiya na po kayo kung ginabi na ng uwi si Catherine. May tinapos daw po siyang group project. Nagkataon naman na nadaanan ko siya kaya inihatid ko na." "Bakit ka naman humihingi ng pasensiya, Sir. Eh, dapat nga magpasalamat ako sa'yo dahil nagmagandang loob ka na ihatid itong apo ko." "Walang ano man po, Lola. Estudyante ko si Catherine kaya dapat lang na siguruhin ko ang seguridad niya." Mayamaya ay nagpaalam na siya kay Lola. "Paano ho, mauna na ho ako." "Naku, dito ka na kumain, Sir." Pinigilan siya ni Lola. "Marami naman akong nilutong ulam na sinigang na bangus. P

