CATHERINE’S POV NAGING abala ako sa pag-asikaso sa mga bisita kaya hindi ko na napansin kung bumalik na ba si Romnick. Pero baka wala pa. Kasi sigurado naman na lalapitan pa rin niya ako kahit gaano man ako ka-busy. At tutulungan pa nga ako no’n. Hindi naman siya mahihiya dahil mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang naman namin ang nandito. “Basta, apo, ha? Asahan namin ng Lolo mo ang ipinangako mo sa’min.” Kinalabit ako ni lola nang lapitan niya ako. Kanina pa hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. “Pagkatapos ng mga kailangan mong tapusin dito, ipapasundo na kita sa Tatay Tristan mo.” Nginitian ko si Lola. “Opo—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang may kumanta mula kung saan. Awtomatikong kumunot ang aking noo dahil pamilyar sa akin ang boses na iyon. Hindi iyo

