CATHERINE’S POV “S-SAAN ka nga pupunta?” tanong ko ulit kay Romnick dahil hindi niya ako sinagot. Kinakabahan tuloy ako. “Bakit? Hindi mo naman ako mami-miss kapag umalis ako. Iiwan mo nga ako, ‘di ba?” Natigilan ako. “Puwede bang hindi kita ma-miss? Hindi ko lang talaga kayang biguin sina Lolo at Lola,” nanlulumong saad ko. “Kung puwede nga lang na bawiin ko ang promise ko sa kanila. Para lang hindi ka na magtamo sa akin.” “At sino naman ang nagsabi sa’yo na nagtatampo ako?” Bakas ang ngiti sa mga labi niya. “Kanina pa sana kita hindi kinikibo kung nagtatampo ako sa’yo.” “Kaya ka nga aalis,’di ba? Kasi nagtatampo ka sa’kin.” Tumango siya at saka umiling. Ramdam ko ang pigil na ngiti sa kaniyang mga labi kaya lalo akong naguluhan. “I mean, oo aalis ako dito. Pero hindi dahil nagtata

