CATHERINE’S POV “WALA na talagang kaluluwa ang mga ganiyang tao. Napaka-demonyo! Sagad hanggang buto ang kasamaan!" “Bakit po, Lola? Ano po ang nangyari?” Puno ng pagtataka na nilapitan ko si Lola habang nanonood ng TV. Galit na galit at nanggigigil kasi siya. “Ang sabi sa balita, limang bata raw ang dinukot sa Maynila. Ilang araw na silang pinaghahanap ng mga pulis. At heto nga, kagabi lang daw natagpuan ‘yong isa sa mga batang lalaki pero wala ng mga mata at nawawala rin ang isang kidney.” “Ano?” Bigla akong kinilabutan. “Napakasama naman ng gumawa niyon sa mga bata. Hindi na sila naawa. Kapag nalaman ito ni Tatay Tristan, lagot ang mga sindikatong iyan.” “Iyon na nga ang sinasabi ko sa Tatay mo. Na ubusin na nila ang masasamang tao sa mundo para wala ng mga inosenteng bata ang na

