CATHERINE’S POV LUNES at unang araw ng pagbabalik ng face to face class sa Lazaro University. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naligo. Ilang ulit kong kinuskos ang aking katawan. Especially ang private parts ko. Nakailang palit na rin ako ng damit. Pero feeling ko, hindi pa rin ako kuntento sa imahe na nakikita ko ngayon sa salamin. Ginamit ko na nga ang mamahaling pabango na gift sa akin ni Tita Meryl last Christmas. Kahit dati naman, cologne lang ang gamit ko. Mini skirt at off-shoulder blouse ang suot ko at naka-sandals naman ako na may heels. Kinulot ko naman ang tuwid na buhok ko at nilagyan lang ng hair clip. Nagpahid din ako ng red lipstick at manipis na blush on. I’m sure na magugulat na naman nito sa Lola at mga kaklase ko. Lalo na si Lindsay. But I need this kind of transf

