CATHERINE’S POV MABILIS na lumipas ang mga araw. Ilang buwan na rin simula nang ikasal kami ni Romnick. But one month after ng wedding namin ay nagsimula na rin siya sa training niya sa INTERPOL. Kaya kina lola at lolo na muna ako tumira para may kasama ako. At siyempre, para matupad ko na rin ang pangako ko sa kanila na makasama ako nang matagal. Sobrang saya nila dahil mas lalo namin nakilala ang isa’t isa. Sa ilang buwan na magkahiwalay kami ng asawa ko, inabala ko ang aking sarili sa pagti-training din sa company nina lolo at lola. Kahit hindi ito ang larangang gusto ko, unti-unti ko ring nagustuhan ang pagnenegosyo. Kaya nga tinanggap ko na rin ang posisyon na ibinigay sa akin ni Lolo. Para kapag dumating man daw ang araw na maisipan kong tanggapin ang pagiging CEO ay handa na ako

