CATHERINE’S POV Two years later… ABALA ako sa pag-a-asikaso sa maraming bisita na dumalo para sa first birthday ng panganay naming anak ni Romnick na Vico. Dahil halos mga kamag-anak, kaibigan, mga ka-trabaho niya at mga ka-close ko na empleyado lang naman ang inimbitahan namin kaya dito na ginanap sa bakuran namin. Dito na pala talaga kami nakatira sa Manila para mas malapit sa trabaho ni Romnick at sa trabaho ko na rin sa kumpanya ni Lolo. Iyong bahay namin sa Davao na binili ni Romnick noon ay pinapaupahan na lang namin. At ‘yong upa ang ipinapandagdag namin sa hulog para do’n. Hindi pa naman ako CEO sa company ni Lolo kahit ilang beses na niyang inalok sa’kin dahil nakita naman daw nila na handa na ako. Pero hindi ko muna tinanggap. Gusto ko munang paghirapan bago makuha ang posis

