CATHERINE’S POV MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Dalawang araw ng nasa Mexico sina Tatay Tristan pero wala pa rin silang balita tungkol kay Romnick. Dalawang araw na rin akong walang maayos na pahinga. Kaya naman ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit na makatulog. Malapit na sana akong hilahin ng antok nang may marinig akong kaluskos sa labas ng pinto. Hindi ko na sana iyon papansinin dahil inisip ko na baka sina Gerald lang. Palagi kasi silang nakabantay sa akin sa labas kahit pa nga alam naman nila na kaya ko ring protektahan ang sarili ko. Napakislot ako dahil nasundan iyon ng tila malakas na kalabog, na para bang may mabigat na bagay ang bumagsak sa sahig. Kunot ang noo na dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kama. Wala ring ingay na binuksan k

