CATHERINE'S POV "BASTA sumunod ka agad sa'kin sa Canada, ha? At promise me na mag-iingat ka dito," mangiyak-ngiyak na bilin ko kay Romnick nang kinabukasan ay agad niya akong pinapaalis papunta ng Canada bago nila lusubin ang grupo ng kapatid niyang si Randolph. Hindi dahil gusto niyang traidorin ang sariling kapatid kundi dahil gusto ni Romnick na mahika rin ito sa plano raw niya na pagbabagong buhay pagbalik namin sa Pilipinas. "I will. At pangako ko rin sa'yo na susunod agad ako sa'yo sa oras na napasuko ko na si Randolph. Kahit magalit man siya sa akin." Nabahiran lalo ng lungkot ang mukha ni Romnick. "I'm sure na magagalit siya sa'kin sa gagawin kong ito at hinding hindi niya na ako mapapatawad. Pero kailangan ko rin siyang maitama, at lahat ng mga maling nagawa niya. Dahil hindi

