ROMNICK’S POV ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nang makapasok sa malawak na driveway nitong mansiyon ni Romnick ang sasakyan ko. Pagkaalis na pagkaalis nina Catherine ay tumawag agad ako sa Tatay Tristan niya para ipaalam na nasa biyahe na papuntang Canada ang anak niya. Sa oras na makuha niya si Catherine ay saka naman lulusob sa lungga ni Lord Dimitri ang mga kasamahan niyang INTERPOL na nasa Pinas. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita ang ama-amahan ko tungkol sa ginawa namin ni Randolph na pag-traidor sa kaniya. Noong huli ko siyang nakausap, umaasa pa rin siya na patuloy lang ang misyon namin. At sana ay manatili siyang walang alam hanggang sa mahuli na siya ng mga awtoridad. Dahil sa oras na malaman niya ang totoo, kahit nandito kami sa Mexico, kaya niya kaming

