CATHERINE'S POV "ANO? Hindi ka sasama sa'kin bukas pauwi ng Pilipinas?" gulat na tanong ko nang sabihin sa'kin ni Romnick na ako lang daw ang babiyahe bukas. Nandito pa rin kami sa bahay ni Lord Hare at nakabantay sa labas ang iba niyang tauhan na pinaiwan niya rito. "Oo, Cathy. At hindi ka muna sa Pilipinas uuwi bukas." Hinawakan ni Romnick ang aking kamay at saka pinisil. "Nando'n pa si Lord Dimitri. Masiyadong delikado." Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Kung gano'n, saan pala ako pupunta?" "Sasamahan ka ni Gerald bukas papuntang Canada. Ihahatid kayo ng dalawa sa mga matatapat na tauhan ni Lord Hare para siguradong mas ligtas kang makakalabas dito sa Mexico." "Canada?" Nanlalaki ang mga mata na bulalas ko. "Ano naman ang gagawin ko sa Canada? Wala naman akong kakilala doon."

