CATHERINE'S POV NAKAHINGA ako nang maluwag nang matapos ang bidding na si Lord Hare nga ang nakabili sa akin. Milyong dolyares ang ibinayad niya sa akin kaya naman pulang-pula ako kanina. Ako raw ang pinakamaganda at pinaka-sexy sa lahat ng babae sa batch namin kaya ako ang may pinakamalaking presyo. Marami nga ang nag-bid sa akin kanina habang nasa stage ako at halos kita na ang aking buong kaluluwa. Grabe ang kaba ko kanina, lalo na at wala si Romnick dahil hindi siya pinayagan ni Randolph ma sumama. 'Buti na lang, wala ng ibang nag-bid pagkatapos mag-bid ni Lord Hare. Sold agad ako sa kaniya. Ang sabi ni Romnick, magtiwala lang daw ako kay Lord at sa mga tauhan niya katulad ng pagtitiwala ko sa kaniya. "Maraming salamat sa'yo, Catherine. Nang dahil sa'yo kaya mayaman na ako," n

