bc

Rekindle Love

book_age18+
5.2K
FOLLOW
19.7K
READ
playboy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Lucas Villanueva was Ellie's young love. At a young age, she became an orphan after her father passed away in a heated battle between the armies and the rebels. Her father is a fallen soldier. Dala nang mataas na respeto at paghanga sa kanyang ama, pinangarap din niyang maging isang alagad ng batas.

Nang malaman ni Lucas ang kanyang kagustuhang maging pulis, tinutulan niya ito. Sa laki ng pagmamahal ni Ellie sa kanya ay handa na siyang pakawalan ang pangarap niya. Ngunit, isang gabi, nahuli niya si Lucas na may kahalikang babae sa kanyang kwarto. Labis siyang nasaktan sa kanyang nasaksihan, na ang inaakala niyang lalaking nangakong magiging tapat sa kanya ay siya ring mananakit sa kanya.

Her broken heart became her drive to fuel her dreams.

Several years later, they met again. Will their long lost love rekindle again? O hahayaan na lamang nila na mabaon ang lahat ng kanilang alala sa limot?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ellie   Ipinarada ko ang aking motor sa harap ng gate ng mansyon ng mga Villanueva. Lumapit ang gwardya sa akin, tila kinikilala kung sino ang dumating.   “Ano’ng kailangan mo?” Maangas niyang tanong sa’kin. I rolled my eyes. Hindi ka pa rin nagbabago, Kuya Magno.   Hindi nga pala ako makikilala agad dahil sa suot ko na helmet at tinted visor.   Tumikhim ako bago magsalita.   “Hinahanap ko si Lola Celing.”   Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, matalim ang mga mata na tila sinusuri kung sino ang kausap niya.   “Kaanu-ano mo si Manang Celing?” Ang angas talaga ng isang ‘to. Inilibas na niya ang radio at mukhang titimbrehan niya na ang kasama sa loob.   Naiinip na ako. Itinaas ko ang visor ng helmet ko. Lalong nanliit ang singkit niyang mga mata nang pilit niyang kilalanin kung sino ang kausap niya.   “Ellie?! Ikaw na ba yan? Ikaw nga!”   I laughed. “Kuya Magno, hindi ka pa rin nagbabago. Siga ka pa rin!”   “Pasok ka na! Nandyan na silang lahat. Tiyak na matutuwa ang Lola mo ‘pag nakita ka! Buti at naisipan mong mamasyal!” sabay lingon sa kaliwang bahagi ng gate. “Raffy, buksan mo yung gate! Apo ni Manang Celing ito!” lumingon siyang muli sa akin. Abot tainga ang ngiti niya sa akin.   “Birthday ni Lola ngayon eh. Saka napagbigyan ako ng bakasyon sa trabaho.” Sagot ko sa kanya.   “Naku at big time ka na nga pala. Sasaludo na ba ako sa’yo sarge?” Tumawa siya ng malakas. “Sige pumasok ka na. Nandyan silang lahat. Naghanda sila ng kaunti para sa lola mo. Mamaya magkwentuhan tayo ah?”   “Sige, Kuya!” Inapakan ko ang kambyo at pinihit ang silinyador ng motor. Pumitada pa ako para magpasalamat sa kanila.   Mga ilang metro rin ang layo ng masyon mula sa gate. Huminto ako sa bandang gilid ng garahe. Pinatay ko ang makina ng motor at tinanggal ang helmet at protective gloves ko. Tinignan ko ang itsura ko sa side mirror at inayos ng konti ang buhok ko.   Bumuntong hininga ako. Dito ako tumira simula noong namatay si Tatay Gaston sa giyera sa Mindanao. Siya ang kaisa-isang anak ni Lola Celing, ang nagi-isang sundalo sa pamilyang Cuevas. Galing sa mahirap na pamilya ang tatay ko. Kaya nang mapatapos ni Lola Celing si tatay at nakapasok sa Philippine Army ay talagang ipinagmamalaki siya ng kanilang pamilya sa aming lugar.   Pinagmasdan ko ang mansyon. Walang kupas ang ganda nito. It was well-maintained. Ang fountain sa harap ay mayabang na nagbubuga ng tubig paitaas. Ang mga halaman sa hardin na madalas kong pagtambayan ay lalong yumabong. I loved this mansion. It’s been years since I’ve been here. This is where I grew up.   This is where I learned how to love. In this place, I met the man I loved, who also broke my heart. Baon ang excitement at kaba ay pumasok na ako sa mansyon. Agad kong naulinigan ang malakas na tawanan at ingay ng mga bata mula sa dining area. Dahan-dahan akong sumungaw mula sa puerta nang mapansin ako ng isang kasambahay.   “Sino’ng hinahanap mo – Ellie?!” gulat na sabi ni Ate Rita.   Napalingon ang lahat ng tao sa akin. Suddenly, I felt ashamed.   “Ellie? Si Elliana na apo ko? Nandito?” Dinig ko ang boses ni Lola.   Inilibot ko ang aking mga mata para mahanap si Lola Celing. Nahagilap ko sila Sir Martin at ang kanyang asawa na si Luna, si Ma’am Gracielle at Sir Alfie, ilang mga bata, at sa huli ay ang malalim na titig ng lalaking matagal kong hindi nakita.   Si Lucas.   “Good afternoon po! Bibisitahin ko po sana si Lola.” I smiled widely, trying not to show them my shaking voice and my nervousness.   “Join us, Ellie! Naku, long time, no see ah?” Si Ma’am Gracielle ang unang lumapit sa akin. Yumakap siya sa akin at bumeso pa. Sumunod na lumapit si Ma’am Luna, nakangiting naglahad ng kamay at yumakap sa akin.   “Welcome back, Ellie! Kumusta ka na? Ang tagal mong hindi nadalaw dito, ah?” Sabi ni Sir Alfie. Ngumiti lamang ako, habang itinaas lamang ni Sir Martin ang baso na hawak niya na may lamang wine, nakangisi at pasimpleng bumaling kay Lucas. Nakatitig lamang ito sa basong hawak niya na may lamang wine at hindi nakatakas sa akin ang pag-igting ng kanyang mga panga.   Ibinalik ko ang tingin ko sa kay Sir Alfie. “Bibisitahin ko po si Lola.” Nakangiting tugon ko.   “Apo, nandito ako. Salamat at nakapasyal ka.” Lumingon ako sa kanang bahagi ng dining table. Nakita kong nakaupo si Lola Celing sa kabisera ng lamesa, nakalahad ang magkabilang kamay niya para yumakap sa akin.   Lumapit ako sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap. Tumulo na ang mga luha ko sa pananabik sa aking lola.   “Happy birthday, ‘la. I miss you.” Humalik ako sa kanyang pisngi. Nakangiti akong humarap sa kanya, abot tainga ang kanyang ngiti habang pinapahid ang luhang lumandas sa aking pisngi.   “Ang tagal kitang hindi nakita, apo. Madalas kitang makausap sa telepono pero iba pa rin kapag nandito ka lang. Ang tagal kong nangulila sa’yo.” Naiiyak niyang tinuran sa akin.   “Oh siya, maiwan na muna namin kayong mag-lola. Guys, sa sala muna tayo. Ellie, serve yourself. Feel at home. Huwag kang mahihiya, ah?” Ani Ma’am Gracielle.   “Yes, Ma’am.” Nakangiti kong sagot sa kanya.   Isa-isa silang umalis sa dining area. Si lola nama’y hindi magkamayaw ang asikaso sa akin.   “Lola, ako na ang bahala sa pagkain ko. Maupo ka lamang diyan.” Nangingiti kong saway sa kanya.   “Pagbigyan mo na ako apo. Matagal tayong hindi nagkita. Ano lang ba at pagsilbihan kita? Teka, mabuti at pinayagan kang makapunta rito? Kailan ka ba nakauwi? Bakit hindi ka nagsabi sa akin, bata ka?” Sunud-sunod niyang tanong.   Tumayo ako at niyakap siya sa kanyang tagiliran. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat.   “Susurpresahin talaga kita, lola. Hindi na ako babalik sa Sulu, nagpare-assign na ako dito sa Maynila.” Nakangiting sabi ko sa kanya.   Nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga siya.   “Totoo ba iyan apo? Magkakasama na tayo ulit?”   Nakangiti akong tumangu-tango sa kanya.   “Kaya Lola, pwede ka na magretiro. Ako na po ang bahala sa inyo.”   Nalusaw ang kanyang mga ngiti. Inilapag niya ang plato sa lamesa at humarap sa akin. Humawak siya sa aking mga kamay.   “Dito na ako tumanda apo. Kaya ko pa naman. Saka ang trabaho ko rito’y hindi na katulad ng dati. Ako na ang mayordoma sa mansyon na ito.”   Natigilan ako. I heaved out a deep sigh.   “Magsasabi ako sa’yo kung gusto ko na magretiro. Huwag mo akong alalahanin, Ellie. Ikaw ang dapat kong alalahanin.”   Napatitig ako sa kanya.   “Mahal mo pa ba?” Makahulugan niyang tanong sa akin.   Tumaas ang aking mga kilay, but deep inside, I know what she means.   “Lola naman eh. Ikaw ang ipinunta ko rito.” Kinamot ko ang kanang sentido ko, nagpipigil na mangiti sa kanyang sinabi.   She chuckled. Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko at makahulugang ngumiti sa akin.   Marami pa kaming napagkwentuhan. Matapos kong kumain ay tinawag niya sila Ate Rita at sinabing tawagin na rin ang iba pa nilang kasama para kumain. Sabay kaming umalis sa lugar na iyon and we headed to the living room, joining the Villanuevas.   They treated us as a part of their family. Ganito sila, they don’t treat their house helpers differently. Mabait sila at marespeto sa kanilang kapwa. That maybe the reason why Lola Celing doesn’t want to retire yet. She enjoys living and serving this humble family.   Napahaba pa ang aming kwentuhan, from their growing family, their children, hanggang sa dumapo ang usapan sa aking propesyon.   “Nakabakasyon ka ba ngayon, Ellie?” Si Sir Alfie. He got a beer from the bucket and handed it to me. “Wait, am I supposed to offer you? You drink beer, right?” Bumaling siya kay Lucas, tila hinihingi nito ang kanyang opinyon.   “Alfie.” Lucas said in his low baritone voice.   Mabilis kong kinuha sa kamay ni Sir Alfie ang bote ng beer at binuksan ito gamit ang cap opener.   “Okay lang, Sir. Natuto na rin akong uminom dahil sa propesyon ko.” I smiled.   I heared him sighed. Binalewala ko lamang iyon. Mahinang tumawa si lola sa tabi ko at marahang hinagod ang aking likod.   “Isang bote lamang apo ah? Magmamaneho ka pa. Saan ka nga ba tumutuloy ngayon?” she asked.   “Sa ngayon ‘la, sa kampo po. Pero next week, tutuloy na ako sa housing. May ipinapaayos lang ako ng konti. Ipapasyal kita roon kapag okay na ‘la.” Ani ko.   “Ano’ng rangko mo ngayon, Ellie?” Si Sir Martin naman ang nagtanong.   “Police Corporal po, Sir.” Tipid akong nangiti. Sumimsim ako ng beer. Aksidenteng napatingin ako kay Lucas. Mariin siyang nakatitig sa boteng hawak ko bago inilipat ang tingin sa akin.   Humaba pa ang kwentuhan. Isa-isang nagpaalam ang mga Villanueva kay Lola Celing. Si Sir Alfie na nakatira rito ay umakyat na sa taas, akay siya ni Ma’am Gracielle dahil mukhang lasing na.   Inalalayan ko si Lola sa kanyang kwarto at maingat siyang pinahiga sa kanyang kama. Kinumutan ko siya at humalik sa kanyang noo.   “Magpapaalam na ako sa’yo ‘la. Makikipagkwentuhan lang ako kila Kuya Magno sandali bago ako umuwi. Magsiesta ka muna.” Nakangiting sabi ko.   Tumango siya at dahan dahang pumikit. Marahan kong isinara ang pintuan. Tinawid ko ang pasilyo ng maid’s quarters papuntang kusina para sumama sa grupo nila Ate Rita sa likod bahay ng may humaklit sa aking kanang braso papasok sa common bathroom.   “Goddamn it! Ano bang--” I stunned when I saw who pulled me inside the bathroom and pinned me on the wall!   “Shut your mouth, woman, or I’ll gonna sealed your lips with mine!” Madiin niyang sinabi. His heavy breathing and deep stares at me makes my defenses weaken. Nangatog ang tuhod ko, but I did my best to hide my nervousness. Sinalubong ko ang kanyang titig.   “Ano’ng kailangan mo, Lucas? Bakit mo ako hinaklit dito?” Mahinahon kong tanong sa kanya.   His stares became soft, pumungay ang kanyang mga mata ngunit mahigpit pa rin ang kanyang hawak sa aking kanang palapulsuhan. He glanced at my lips bago ibinalik sa aking mga mata ang kanyang titig.   “I missed you, baby.” He said. His right hand landed on my waist, encircling it while he laid his head on my left shoulder.   Umusbong ang ibinaon kong galit sa matagal na panahon. Bakit niya sinasabi sa akin ito ngayon? Ano’ng ibig niyang sabihin? Tarantado rin ang isang ito, akala mo ay parang walang nangyari. Nasaan ba ang girlfriend nito? Bakit hindi niya kasama ngayon si Lea?   “Lucas, lasing ka. Nasaan ba ang nobya mo? Ano ba’ng kailangan mo?” Pumipiglas ako sa kanyang mga hawak pero hindi niya ako pinakakawalan.   He planted shallow kisses on my shoulder. I stiffened. Hindi ako ipokrita pero gusto ko ang ginagawa niya ngayon sa akin. It’s like he’s reviving an old memory of us.   “You’re my girlfriend. Still you, sweetheart. Still you.” He huskily said. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga.   Inipon ko ang huwisyong natitira sa akin at malakas ko siyang itinulak! Napaatras siya at bahagyang nagulat sa aking ginawa. Gigil akong dinuro siya, bakas ang galit sa aking mga kilos. I remembered how furious I am when I saw him kissing that almost naked woman on his room!   “Matagal na tayong tapos! Huwag mo akong paglaruan ng ganito! Just because I loved you before doesn’t mean you can always do this to me!” I spat angrily at him. “Baby--“I cut him off.   “Tigilan mo na ako, Lucas. Hindi na ako ang dating Ellie na madali mong maloloko.” I immediately left him inside the bathroom.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.6K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.7K
bc

Taz Ezra Westaria

read
111.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook