Ellie Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Wala akong naisagot sa mga sinabi niya. I know to myself that everything she said are not true. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mababahiran ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Ros. And Roscar, given his actuations a while back, gusto niya ring umiwas sa akin. It bugged him too much na kahit itanggi niyang wala kaming relasyon maliban sa pagiging magkaibigan ay hindi siya pinaniniwalaan. Marahan akong hinila ni Lucas. “Let’s go.” He said. Tumango ako at nagpatianod na sa paghila niya sa akin. Tahimik kaming umalis sa campus. Nasa biyahe na kami pero walang umiimik sa aming dalawa. Nakatunghay lamang ako bintana para aliwin ang utak kong naguumpisa nang mapagod sa kaiisip sa nangyari. Lucas gently held my hand.

