Nandito kami ngayon ni Roscar sa isang mall, kumakain ng ice cream habang nakaupo sa bench. Ramdam ko na ang pagod pero hindi ko pa gustong umuwi. “Ang galing mo kanina sa rifle stripping ah. Hindi ko alam na may ibibilib pa pala ako sa’yo.” Aniya. Nilingon ko siya. I smirked. “Baka magka-crush ka na sa’kin niyan ah?” I said jokingly. Humalakhak kaming dalawa sa tinuran ko. “Yabang mo, oy!” He blurted. “Pero paano nga kung crush na kita? Will you be bothered by that thought?” Natigilan ako sa sinabi niya. Mataman ko siyang tinignan na parang pinaga-aralan kung nagsasabi nga ba siya ng totoo. I looked away and continued eating my ice cream. “Uy, speechless siya!” He pinched my nose for a couple of seconds. Ngumiwi ako sa sakit. “Bitiwan mo nga ‘yung ilong ko!” I

