Ellie Padabog na isinara ni Sir Lucas ang pintuan sa driver’s seat. I fastened my seatbelt. Kung hindi ko lang alam ang katayuan ko sa lalaking ito, iisipin kong nagseselos siya kay Roscar. I bit my lower lip to suppress my smile. Ano kayang pakiramdam kung ginusto ka rin pabalik ng taong gusto mo? I puckered my lips. Tumigil ka muna sa mga ilusyon mo, Ellie. Natauhan ako ng biglang hinampas ni Sir Lucas ang manibela. “S-sir…” Kabadong tanong ko. “Ano’ng nginingiti – ngiti mo diyan? Bakit suot mo ang damit ng lalaking ‘yun? Don’t you have spare clothes?” Sunud – sunod na ang mga tanong niya sa akin. “Nagagalit ka ba, Sir?” I asked him. Hindi siya nakasagot. Humigpit ang hawak niya sa manibela. Malalim ang kanyang paghinga. Tinanong ko siya ulit. “Sir, nagagagal

