Ellie Matapos ang ilang linggo kong pananatili sa ospital, the doctor discharged me already. Aniya, sa bahay na lamang daw ako magpahinga dahil natapos na ang gamutan ko sa aking mga sugat. Dumaan din kami sa OB-Gyne para ipa-check kung healthy kami ng baby namin. “Re-resetahan kita ng vitamins for you and for the baby. Healthy naman kayo pareho, malakas din ang heartbeat niya. Balik ka sa akin after a month.” Magiliw na sinabi sa akin ng doktora. Lucas was hands-on on me. Siya ang naga-asikaso sa lahat ng mga kailangan ko. Nakikinig siya sa lahat ng mga bilin ng doktor kaugnay sa pagbubuntis ko at halos ayaw akong pakilusin sa penthouse niya. “Paano ‘yong mga gamit ko sa apartment?” I pouted as he told me that we’ll go home to his place. He looked at my direction a

