Hindi ko alam kung bakit ang high quality no'n pero halatang luma na ang litrato. Isang batang lalake na may bughaw na mga mata nasa likod ng isang cute na bata. Nasa upuan sila at nakayakap ang lalake mula sa likuran. Ang nakapagpangiti sa akin ay parehas silang nakatawa, labas ang lahat ng ngipin at singkit ang mga mata. Parang may nakitang nakakatawa. "You were two year old by that time and I'm seven." "Weh?" hindi makapaniwalang tanong ko at hinarap siya. "Ang bata ko pa pala kaya hindi ko maalala!" Muli kong tinignan ang picture namin at pinalaki iyon. "Ang cute ko pa dito!' "Hanggang ngayon naman," dagdag niya at niyakap pa ang bewang ko. Hunalakhak naman ako dahil sa kaunting kilig. "Sige na nga, maniniwala muna ako ngayon!" Inilipat ko iyon at mas lalong natawa nang makita a

