"Gano'n talaga 'pag mayayaman, sis! Uso sa kanila ang fixed married," ani Mona at inakbayan ako. Napabuntonghininga ako at umiling. "Iba si senyorito. Mahal niya ako. Ramdam ko 'yon!" "E, gan'yan din ang sinabi mo sa ex mo. Ano na bang pangalan no'n?" tanong niya pa. "Basta iyong nang gago sa 'yo!" "Alam niyo mga sis, nagulat talaga ako kanina!" si JP naman ang nagsalita at mas lumapit pa sa amin. "Sympre 'di ba mas matagal nilang kilala si Senyorito Brandon! E 'di mas maalam sila sa mga naging ka-relasyon niya!" "Wala akong makitang girlfriend sa mga sss post niya, mga sis! Pero marami siyang reactors at commentors na babae at halatang yayamanin!" sambit naman ni Franz habang ipinapakita sa amin ang timeline ni senyorito. "Baka nasa IG?" tanong ni JP at hinampas ang braso ko na para

