Chapter 46

1176 Words

Kung kagabi ay masaya ako, kinabukasan naman ay na-stress ako. "Hindi pa ba natin sisimulan 'tong research?" tanong ko sa lider namin dahil kami na lang ang grupo na walang ginagawa. Ang iba ay puro reklamo na dahil nahihirapan. Kami ay? Nganga pa rin! "Ipapagawa na lang natin sa labas! Magbayad na lang kayo ng contribution. Asahan niyong mahal 'yon!" tangging anunsyo niya at lumabas ng silid. Napabuntonghininga ako at tinignan ang ibang ka-grupo nang maramdaman ang titig nila sa akin. "Paano kung mahuli na hindi tayo ang gumawa no'n? Alalahanin niyo, may defense tayo!" reklamo ko sa kanila. "I-iyan din ang naisip ko kaya sana tayo na lang ang gumawa. Kahit maraming maitanong, alam kong masasagot natin basta tayo ang gagawa," sagot ng pinakatahimik sa klase naming si Neri. Tumango na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD