"Approved 'yong title na ginawa mo!" balita ko sa kanya habang malaki ang ngiti. Ipinakita ko pa sa kanya iyong gc namin. "Congrats!" Napangiti rin siya. "You will start doing it tonight?" "Tatanong ko pa mga kasama ko!" sagot at tinawagan sila para sumagot agad sila hindi iyong puro seen lang sa gc. "I'll just eat my dinner then. Call me if you need help," paalam niya at tumayo. "'Di ka pa pala kumain?" Nataranta ako at tumayo rin. "Ipag-aahin na kita, senyorito!" "I can do it, baby. Just focus on your paper now," malambing na saad niya at humalik bago lumabas. Niligpit ko ang kalat na gamit sa kama habang hinihintay ang pagsagot nila sa tawag ko. Anong ginagawa ng mga 'to at ayaw akong sagutin? "Hello?" halos pabulong na bati ni Neri. "Hi! Start na natin ngayon kahit intro?"

