Tinulungan kami ni senyorito sa pagbuo ng research paper namin. Siya ang nag-guide sa amin at nag-check kung tama ang nagawa namin. Dahil do'n ay mas napadali ang pagtapos namin sa RRL, ang pinakamahabang parte at kritikal na bahagi dahil ang hirap maghanap ng bagong related studies sa ibang bansa lalo na rito sa Pilipinas. "Sis, ang busy mo na! Nawawalan ka na ng time sa amin!" "Busy ako sa research namin! Ako kasi ang leader!" sagot ko at niyakap sila dahil parang seryoso ang tampo nila. Sabagay, isang linggo ko rin silang 'di nakausap dahil puro mga kagrupo ko ang kasama ko. "True ba 'yan?" hindi kumbinsidong tanong ni Franz. "Baka busy ka lang sa jowa mo! Jusko! I-kick ka namin sa grupong 'to!" "Hindi, ah!" mabilis na sagot ko at may naalala. "May tanong ako!" "Ano 'yon?!" mabili

