"Yes, as long as you are that clingy girlfriend." Kapwa kami napangiti at gano'n ang ayos hanggang sa makabalik kami sa kwarto niya. Pinaupo niya ako sa kama niya at isinindi ang TV para hindi ako mainip habang naghihintay sa kanya. Inilibot ko ang paningin sa mga disenyo ng silid niya at agad na nilapitan ang picture frame na nasa gilid ng kama niya. Bago ang litrato at kuha iyon noong nasa pageant ako! Nakangiti ko iyong ibinaba at napatingin sa phone niyang katabi ng frame nang umilaw iyon. May nag-text. Base sa notification ay si Rhianne. Tiniis kong huwag buksan at basahin iyon nang makitang swipe lang ang kailangan para mabuksan iyon. Pero ilang saglit pa ay natagpuan ko ang sariling nakakuyom ang kamao dahil sa nabasang mensahe. Rhianne: Thanks for the ride. I already miss you,

